UMUWI na ng Manila si Kris Aquino mula sa halos dalawang linggong wellness vacation sa Boracay kasama ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

1 Kasama sa advice ng kanyang mga doctor sa Singapore ang paninirahan sa lugar na malapit sa dagat, bukod sa napakaraming gamot na inireseta sa kanya at iniinom niya para mapigilan ang paglubha ng kanyang urtecaria. Sa huling quarterly physical tests sa Singapore, binanggit sa kanya ng espesyalista na ideal para kay Kris na manirahan sa Cebu. Nakapunta na sa Cebu ang Harvard trained physician niya kaya doon siya itinuro. Payag tumira sa bahay sa tabi ng beach ang mag-iina para manumbalik ang malusog na pangangatawan ni Kris. Ang natatawang kuwento niya noong time na iyon sa inyong abang lingkod, may requirement lang sila sa hinahanap nilang location: “Si Kuya, ang hinihiling lang, dapat daw may tricycle siya at kami naman ni Bimb dapat strong ang Wifi para sa online orders ko at games niya.”

Ang cute na dahilan ni Josh, p a m p a m a l e n g k e a t p a r a s a pamamasyal daw nila ang tricyle. Matagal nagpa-scout si Kris ng wellness resort na matatagpuan sa bansa natin, pero wala siyang nakita. Kaya for the meantime, sinubukan nila ang Boracay. Walang duda, na-in love ang mag-iina sa world-famous island. Noong Lunes ng gabi, ito ang post ng online empress sa kanyang social media accounts: “Good Night... flying home tomorrow... we had 12 memorable days in Boracay. Yes, for Kuya Josh, Bimb, and me #itsmorefuninthephilippines ??.” Kahapon, ito naman ang caption ni Kris sa picture nilang mag-iina na kasama ng item na ito: “The journey back home... I was telling my boys, feeling sad to leave only means we’ve found our 2nd home. #itsmorefuninthephilippines” Kinontak ko siya, na parang may separation anxiety sila sa dagat. “ S i K u y a ( J o s h ) a n g s a d , Ku y a Di n d o . . . a k o h a p p y s a

sea breeze, hindi pang-beach, pang hangin lang.” Happiness ni Kris ang pagbabasa ng libro at napagbigyan siya nang husto sa hilig niyang ito sa Boracay. Sa mga susunod na isyu ko na isusulat ang klase ng mga libro na binabasa niya na malayo sa kinahiligan niyang espionage at suspense-thrillers for so many years.

Teleserye

Kamukha ni Chucky? Lena, pang-Halloween pagmumukha

-DINDO M. BALARES