MADALAS bang maloko si Sharon Cuneta sa pagbili ng diamonds?

KC

Isa kasi sa dahilan kaya nag-aaral ngayon ng Gemology ang panganay niyang si Kristina Cassandra Concepcion ay para raw hindi na siya maloko since mahilig siyang mamili ng alahas.

“Actually, do’n po nag-start (mag-aral ng gemology), sabi ko, ‘ano bang binenta sa ‘yo, bili ka naman nang bili?’

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Hindi na po maloloko ang mommy ko kapag may mga nagbebenta sa kanya ng mga diamond kasi nandito na ako, nakabantay na ako,” natatawang sabi ng dalaga.

Pero siyempre mahilig din naman sa alahas si KC kaya rin siya nag-aral ng iba’t ibang klase ng precious stones.

“O c o u r s e I ’ m f a s c i n a t e d w i t h diamonds and colored stones. Nakuha ko ang hilig na ito sa work namin bilang artista, mga celebs na nakakaharap at nagbibihis lagi, siyempre you’re into fashion.

“So, as a fashionista, you wear a lot of jewelry and ‘di ba lahat naman ng babae kung hindi damit (hilig) accessories, jewelries so since ‘yung mommy ko collection niya ‘yun nanghihinayang ako kapag may nakita ako na ang mahal niyang binili tapos alam kong hindi naman ganu’n ‘yung price. So, minsan it’s really nice lang na kapag may gusto ako, inaalam ko lahat,” paliwanag ng dalaga.

Bukod dito ay gagawin din itong career ni KC dahil aniya, “ang pag-aartista kasi hindi mo alam kung 100 years old ka na ay magagawa mo pa rin (umarte), so I’ve always been very prayerful about kung ano pa ‘yung puwede kong maging business na puwedeng pang matagalan.

“Puwede (magtayo) ng Jewelry shop. Pag natapos ko po itong course o magkaroon ng diploma ay puwede na rin akong mag-appraise, puwede na rin akong maging buyer.

Ito ang inamin ni KC sa panayam sa kanya ni Stars Photog blogger sa isang event sa Pasay City.

Ilang linggo lang tatagal ng Pilipinas si KC dahil kailangan niyang tapusing i-shoot ang bago niyang endorsement na may kinalaman sa make-up na paborito niyang gamitin kaya ang saya-saya niya nang kunin siya at ilo-launch ito bago magtapos ang Setyembre.

Sa kanyang IG daw nakitang gumagamit siya ng brand ng make-up na ito kaya siya nakontak.

“And magazines shoot din. And after my work here, balik po ako ng New York City (USA). Babalik naman po agad kasi may event ako ng end of September, launch na nitong endorsements,” masayang sabi ni KC.

-Reggee Bonoan