“SINO ba source mo?” ito ang tanong sa amin ni Arci Muñoz pagkatapos ng mediacon ng teleseryeng Pamilya Ko na mapapanood na sa Setyembre 9, Lunes bago mag TV Patrol sa ABS-CBN.

arci

Kami ang nagpaputok dito sa Balita noong Hulyo 19 na hiwalay na si Arci at ang businessman boyfriend niyang si Anthony Ng dahil sa mga personal na dahilan. Hulyo 17 ang sinabi ng aming source na naghiwalay na ang dalawa.

Bago ang Pamilya Ko mediacon ay huli naming nakausap si Arci sa #PPPGrandLaunch2019 at masaya pa si Arci sa pagkukuwento tungkol sa kanila ni Anthony na, “kapag pumasok ako sa isang relasyon, nakikita ko ‘yung tao na siya na ang makakasama ko for the rest of my life.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At kung sakaling ikasal na sila ay okay pa rin sa binata na mag-showbiz siya, “tuloy pa rin, hindi ko raw kailangang huminto sa showbiz. Ituloy ko lang kung ano ang ginagawa ko. Okay lang din ang may kissing scenes. Supportive kasi ‘yun (boyfriend), pero para sa akin may limitasyon na.”

H u l y o 1 1 a n g #PPPGrandLaunch2019 at pagkalipas nang anim na araw, Hulyo 17 ay saka sila naghiwalay base sa kuwento ng aming source.

Marami kaming napag-usapan ni Arci tungkol sa paghihiwalay nila ni Anthony at ramdam namin ang sakit na nararamdaman ng dalaga ng mga sandaling iyon kaya kami na ang nag-desisyong huwag nang ilabas para tapos na.

“Okay lang ako, tuloy ang buhay, saka ang dami kong blessings,” sundot pa ni Arci na pilit ang ngiti pero nangingilid ang mga luha.

Ang pamilya niya ngayon ang prayoridad niya at career plus back to school siya sa UP para mag-aral ng Korean language dahil sa idolo niyang Bangtan Boys Korean Boyband o BTS.

Gaganap bilang bestfriend ni JM de Guzman si Arci sa Pamilya Ko kasama rin sina Sylvia Sanchez, Irma Adwalan, Kiko Estrada, Kid Yambao, Jairus Aquino, Maris Racal, Kira Balinger, Mutya Orquia, Raikko Mateo at Joey Marquez.

-Reggee Bonoan