‘BUMELAT’ si JM de Guzman sa katotong nagtanong sa kanya kung gusto niyang maging bahagi ng pamilya Atayde dahil nga nali-link siya kay Ria Atayde na anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde.

Sinagot ng aktor ang katoto ng, “bahagi na raw po ako ng pamilya nila sabi ni (sabay lingon kay Ibyang na kaagad tumango).” Sabay belat kaya tawanan ang lahat ng dumalo sa mediacon ng bagong teleserye ng ABS-CBN sa Dolphy Theater.

Madalas bang pumupunta si JM sa bahay ng mga Atayde bilang bahagi na ng pamilya, “yes,” nakangiting sagot ulit ng aktor.

Sabay kuha ni Sylvia ng mikropono kay JM, “oo naman (bahagi ng pamilya), mabait si JM, I love JM noon-noon pa man mayroon pa akong restaurant sa may baba ng condo niya 10 years ago or 8 years ago tumatambay siya kaya matagal ko na siyang kilala at mabait ‘to.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Natatameme naman ang aktres nang magbiro ang host ng mediacon na si Ogie Diaz na puwede silang gumawa ng pelikula ni JM na, ‘Manugang Ko.’

Dagdag pa ni Ibyang, “honestly, madaling mahalin si JM mabait siya na bata kasi nakita ko, eh kasi nakikita ko siya kapag nag-uusap kami. Kaya kung part siya ng pamilya ko, oo naman. In fact magkaka-negosyo tayo (sabay lingon sa aktor).”

Ang negosyong gym ang pinag-uusapan nina JM kapag dumadalaw siya sa bahay ng mga Atayde at naroon din si Brandon Vera na kasosyo rin.

Kuwento sa amin ng lead actress ng Pamilya Ko, kasama niya sina Ria, Brandon at JM sa gym na sisimulan nila sa Katipunan soon.

Going back to JM ay ipinagdiinan niyang wala silang relasyon ni Ria na ilang beses tinanong sa kanya, “Magkaibigan po muna.”

Pilit iniiwasan ng aktor ang tanong pero nasukol din siya.

“Because she’s special sa akin, and I want to protect her. The more you ask questions about her, the more she will be bashed, and it hurts,” malumanay na sabi ng binata.

Kaya niya pino-protektahan ang dalaga, “kaibigan ko si Ria and I love my friends.”

Alam namin ang totoo na walang relasyon sina JM at Ria dahil nagsabi na sa amin ang huli na hindi pa siya handa at trabaho muna ang uunahin niya.

Gayun din ang aktor at hindi pa rin siya handang magkaroon ng relasyon dahil nasa recovery status pa rin siya.

Matatandaang 2012 nang sumailalim sa drug rehabilitation program si JM at hindi niya natapos kaya nagkaroon ng relapse sa paggamit ng ilegal na droga pagsapit ng 2015.

At sa media launch ng pelikula nila ni Arci na Last Fool Show ay dito na inamin ng aktor na noong nakaraang 2018 lang niya nakumpleto ang tatlong-taong SELF Treatment, Rehabilitation & Value Formation Program.

Sabi pa ng binata,“I still have some work to do sa sarili ko. Hindi pa buo. Hindi pa, kulang pa.”

Dagdag pa, “Sa isang relasyon, hindi kayo dapat dependent sa isa’t isa. Dapat papasok kayo du’n parehong buo, para pag sa huli, kung hindi pala kayo, e, ‘di okay kayo pareho.”

Kaya maliwanag na magkaibigan palang sina JM at Ria.

Samantala, abangan ang kuwento ni Chico (JM) at ang kanyang mga magulang na sina Fernan (Joey Marquez) at Luzviminda (Sylvia) kasama ang mga kapatid na sina Beri (Kiko Estrada), Apol (Kid Yambao), Persi (Jairus Aquino), Peachy (Maris Racal), Lemon (Kira Balinger), Cherry (Mutya Orquia), at Pongky (Raikko Mateo)—sa kanilang pagharap sa mga problemang susubok sa kanilang pagmamahal sa pamilya.

Kasama rin sa cast ng Pamilya Ko sina Irma Adlawan at Alyssa Muhlach at Arci Muñoz mula sa direksyon ni Raymund Ocampo.

Panoorin ang kuwento ng Pamilya Ko sa ABS-CBN simula September 9.

-Reggee Bonoan