UMABOT sa 17,000 runners at sports enthusiast mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, unibersidad at running club, kabilang ang Philippine Sports Commission (PSC) ang nakiisa sa panawagan para sa pagkakaisa at pananatili ng integridad sa gobyerno sa ginanap na R.A.C.E to SERVE Fun Run nitong Linggo sa Quirino Grandstand, Rizal Park Manila.
Sa temang “Civil Service at 119: Upholding Integrity and a High Trust Society,” target ng naturang programa ang makalikom ng pondo para matustusan ang mga proyekto ng Pondong Pamanang Lingkod Bayani (PLBi) Program kung saan binibigyan ng pagkilala ang mga kawani ng pamahalaan na nagpamalas ng kakaibang aksiyon sa tawag ng tungkulin.
Ang fun run ay bahagi rin ng pagdiriwang ng ika-119 founding anniversary ng CSC ngayong buwan.
Nakibahagi sa programa ang Watsons, nangungunang health, wellness and beauty retailer sa Asya, sa patakbo na inorganisa ng Civil Service Commission National Capital Region (CSC NCR).
Bilang kasangga, nagsagawa ng heath services ang Watson tulad ng libreng blood pressure check, blood sugar check, cholesterol test, at fat analysis.
“We are committed to improve the health of Filipinos through our range of health and wellness products available in more than 700 stores nationwide,” pahayag ni Danilo Chiong, Watsons Philippines Chief Operating Officer.
“As part of our commitment, we are happy to partner with CSC in encouraging the runners to get active and be healthier through this run,” aniya.
Kasangga ng pamilyang Pilipino ang Watson na nagbibigay ng murang presyo ng mga gamot at iba pang produkto para sa kalusugan.