NA-FEATURE si Alden Richards sa Newsweek dahil sa napanalunang Asian Star Prize sa dinaluhang Seoul International Drama Awards. Ulat ng Newsweek: Alden Richards Scores Asian Star Prize At Seoul International Drama Awards.

Nagpasalamat ang supporters ni Alden sa feature sa kanya sa Newsweek, ang konting reklamo lang nila, lumang picture ang ginamit ng magasin. Sana raw ay nag-grab ang Newsweek sa photos na kuha sa Seoul International Drama Awards dahil ang gwapo ni Alden, na rason pati ang Korean fans ay na-curious sa kanya.

In fact, na-feature siya sa SBS, Soompi, Xports, My Daily, Newspim, Newsen, at na-interview sa Visit Seoul TV at nag-trending sa Naver - isang popular searching portal sa Korea.

Pinag-usapan sa Naver ang kagwapuhan ni Alden, laging naka-smile at may smiling eyes daw. Nagulat ang Knetz nang mag-wave si Alden sa audience dahil hindi raw madalas gawin ‘yun ng Korean stars.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kahapon, bumalik na sa bansa si Alden pero this Saturday, lilipad sila ni Kathryn Bernardo pa-Cambodia dahil may special screening doon ang Hello, Love, Goodbye bukas, Sunday sa Aeon Mall. Pero nagsimula na ang showing ng Star Cinema movie kahapon, Friday.

Sa September 3 ang victory party ng Star Cinema sa box-office success ng Hello, Love, Goodbye at abangan natin dahil may special announcement daw ang mga producer. Malay natin at i-announce na magkakaroon ng sequel ang movie.

Pagbalik ni Alden from Cambodia ay magre-resume siya ng taping ng The Gift dahil sa September na ang pilot ng teleserye. May short teaser nang pinalalabas ang show na may inspiring story. ito ay ididirek ni LA Madridejos.

Sa September din ay sasaglit sa Thailand ang aktor para i-promote ang teleserye niyang ipalalabas doon. Makakasama niya si Dennis Trillo at isa pang Kapuso actor sa pagpunta ng Thailand

-NITZ MIRALLES