PAGKALIPAS ng 18 taon, ang pangangalaga ni Boy Abunda kay Aiko Melendez ay nagtapos na ngayong 2019.

Arnold at Aiko

Sa solong panayam namin sa aktres pagkatapos ng presscon ay binahagi ni Aiko ang kanyang dahilan.

“Probably is to change, wala kaming bad blood ni Tito Boy, we parted ways nang maayos. Siguro lang I just needed to reinvent myself and be in another environment. Siyempre kapag gusto mo ng change, you can’t be staying in one management ‘di ba? So, you have to try out new things so and that’s basically the reason,” paliwanag ni Aiko.

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

Baka naman kasi nasa GMA 7 na ngayon si Aiko kaya kailangang magpalit ng manager since taga-ABS-CBN naman si Kuya Boy.

“No. Kasi Ate Reg, hindi naman ako under contract sa GMA. Who knows after my show with ‘Prima Donnas’ I might be back in ABS. I’m a free lancer and that’s my advantage,” mabilis na pagka-klaro ng aktres.

Labis na nasaktan si Aiko nang magpaalam siya sa itinuring niyang ama sa showbiz.

“Of course 18 years is 18 years, ako I got depressed, in-absorb ko muna lahat, so nu’ng time na ‘yun si Jay (Khonghun) naman was there for me and my family na I kept on telling them na it’s not easy leaving someone na who’s very close to my heart.

“Tito Boy is like my father, my second father, he’s my ninong (kasal kay Martin Jickain) saka ninong siya ni Marthena (Jickain). So kumpare ko pa, so I call him tito-ninong and then ninong ko rin siya sa kumpil, kaya ganu’n katagal kaya sobrang masakit kahit papaano. Kaya lang ang buhay talaga kailangan minsan magsubok ka ng bago para malaman mo for you to soar higher,” paliwanag mabuti ni Aiko.

Hindi raw apektado ang samahan nina Boy at Aiko, “my love and my respect will always be with Tito Boy, in fact ‘yung huling usapan namin sabi niya, ‘you know Aiko if you need anything, I can still be your consultant. You can ask me anything because we are a family’.

“So that’s one thing I appreciate with Tito Boy na walang samaan ng loob kumbaga trabaho lang talaga.”

At sa bagong management contract ni Aiko sa ALV Talent Management ay pumirma siya ng 3-year contract base sa inilatag na plano sa kanya ni Arnold L. Vegafria.

“He was telling me na he’s closing an endorsement for me, so I’m gonna pray for that. I did an Indie (film), two days after talking to him which is entitled ‘Padre Damaso’, it’s an all-star cast, so I’m blessed. Mayroon din kaming concert tour sa abroad pero hindi pa puwedeng sabihin. Actually ang daming magaganda na hindi ko pa puwedeng i-reveal kaya I feel so blessed to be in a new family that I’m so much welcome,” masayang kuwento pa ng aktres.

At ang ikinagulat pa ni Aiko sa unang pagkikita nila ni Arnold, “sabi niya, ‘you know, I’m your fan!’ Kaya sabi ko, ‘ha?’ Parang shocks ‘di ba? Siyempre he’s Arnorld Vegafria already and parang to have a fan like him is something na parang nakakataba naman ng puso.

“So ibig sabihin no’n ang pagmamahal niya sa akin, mas ti-triplehin niya kasi may admiration siya sa akin bilang pinapanood niya ‘yung mga work (movies/shows) ko dati, so naniniwala ako na mas mamahalin niya ako triple times.”

Samantala, tungkol sa tapatan ng mga programang Prima Donnas at Kadenang Ginto ay aminado si Aiko na hindi nila matatalo ang huli.

“Okay naman, although aminado kami na mas malakas pa rin ‘yung kabila pero hindi naman kami nalalampaso, hindi naman kami nagpapahuli sa ratings. Lumalaban kami, basta kami sabi ko nga sa post ko na’ we just want to give the viewers choice on what show to watch. Hindi naman kami nandito para makipag head-on. Kami ay nagta-trabaho rin lang,” magandang sabi ni Aiko.

May naramdaman na bang prima donna si Aiko sa taping nila?

“Hindi sila puwedeng mag-prima donna sa akin ‘no or else!” birong sagot ng aktres.

Pero inamin niya ring may sumubok na mag prima donna noon, “oo pero hindi umubra kasi nice na ako, eh. As you mature you’ve become kinder at kalma na ako. ‘Yan ang kabilin-bilinan ni boss ALV dapat kalma lang,” nakangiting sabi ni Aiko.

-REGGEE BONOAN