NAPANOOD na namin ang most talked about movie of 2019 na Hello, Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Pansin namin sa nasabing pelikula na tipong may mga anggulong hawig si Alden kay Aga Muhlach nang ang huli ay bagets pa.

K u m i t a r i n a n g p e l i k u l a n g Bag e t s n i Aga noon , i n f airness. Puwedeng maging Kuya ni Alden si Aga kapag magkakaroon sila ng pelikula, sa true lang.

Pansin din namin, tulad ng observation ng true blooded Noranians named Lito, may mga mannerism at anggulo si Kathryn Bernardo sa HLG na tipong hawig kay Superstar Nora Aunor.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Paris ni Ate Guy ay tipong nangungusap rin ang mga mata ni Kathryn sa HLG at maganda rin pala ang register niya sa big screen kahit walang make-up.

So puwedeng pagsama-samahin sa isang pelikula sina Ate Guy, Aga, Kathryn at Alden, ha!

Sabi ng isang reliable source namin, nakadagdag sa malaking kita ng HLG ang 200 na kataong nagpa-block screening ng movie.

Wow, that’s a lot kung susumahin, sa true lang.

Sa henerasyon ngayon ay talagang malaking tulong ang naibibigay na kita sa isang pelikula ng block screenings, lalo na kung talagang susuportahan ito ng fans na sobrang iniidolo sa kanilang inspirasyon at idols.

Kaya masasabing suwerte ang mga artistang may hukbu-hukbong fans na talagang gumagastos para sa kanilang mga lodi.

-MERCY LEJARDE