KUMANA si Kiefer Ravena ng 14 puntos sa kanyang pagsama sa NLEX laban sa Phoenix, 114-77, sa tune-up match bago sumama sa ensayo ng Gilas nitong Miyerkoles.

Hindi kinakitaan ng pangangalawang ang outside shooting ni Ravena para sandigan ang Road Warriors at ipakita ang kahandaan sa kanyang pagbabalik PBA para sa Governors Cup. Sa Gilas tune-up gane laban sa Australia Adelaide, kumana si Ravena ng 11 puntos.

RAVENA

RAVENA

Galing si Ravena sa 18-month FIBA suspension.

National

Hontiveros, inanunsyo na petsa ng pagdinig ng Senado hinggil kay Quiboloy

Mismong si coach Yeng Guiao ang nangasiwa sa Road Warriors bago sinamahan ang Gilas sa huling ensayo sa Meralco Gym.

Nakatakdang umalos ngayon ang Gilas ganap na 8:00 ng umaga patungong Foshan, China para sumabak sa FIBA World Cup simula sa Sabado laban sa Italy.

Kumana si import Olu Ashaoulu sa natipang 23 puntos para sa NLEX, habang tumipa sina Bong Galanza at Larry Fonacier ng tig-12 puntos. Nag-ambag sina Philip Paniamogan at  Raul Soyud ng tig-11 puntos.

Naglaro ang NLEX na wala si center Poy Erram na nabigo ring makasama sa Gulas sa tinamong injury sa paa. Jonas Terrado