July 09, 2026

Home BALITA

Senate majority bloc, nakahanda sa ‘maruming balak’ ni Cayetano

Senate majority bloc, nakahanda sa ‘maruming balak’ ni Cayetano
Photo Courtesy: Risa Hontiveros, Alan Peter Cayetano (FB)

Tiniyak ni Sen. Ping Lacson na nakahanda umano ang Senate majority bloc sakali mang may maruming plano si Sen. Alan Peter Cayetano sa nakatakdang special session ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB nitong Linggo, Hunyo 14, sinabi ni Lacson na kabilang umano sa pinag-uusapan ng mayorya ang tungkol sa posibilidad na manggulo si Cayetano.

“‘Pag nag-uusap kami sa majority bloc ngayon, isa ‘yan sa aming pinag-uusapan. ‘Yan emphasize ko, huwag i-underestimate kasi capable ang tao na ‘yan gumawa ng maski anong gulo,” saad ni Lacson.

Dagdag pa niya, “He doesn’t care about the institution, he only cares about himself.”

Sa katunayan, hindi inaalis ni Lacson ang posibilidad daw na agawin ni Cayetano ang podium sa pagpasok nito dahil sa sobrang pagkahumaling sa kapangyarihan. Ito ay sa kabila ng katotohanan na ang liderato na ni Sen President Pro Tempore at acting Senate President Win Gatchalian ang kinikilala.

National

VP Sara dedma sa impeachment trial, nagtanim ng puno!

Kaya hiling ni Lacson, magising na raw sana sa katotohanan si Cayetano.

Aniya, “Maski sinigaw niya sa buong mundo siya ang SP walang sumusunod sa kaniya. Napansin ninyo tahimik ang iba niyang kasama ang dating maingay na kasabay niya wala na ring comment.” 

“Na-realize na rin nila siguro ang reality, tapos na boxing, ‘wag na i-insist. Although walang permanent Senate President, pero ‘di na siya ang SP for all intents and purposes,” dugtong pa ng senador.

Matatandaang nauna nang iminungkahi ng kampo ni Gatchalian ang pagsasagawa ng special session matapos mabigong maresolba ang sigalot sa liderato bago ang sine die adjournment ng Senado noong Hunyo 6.

Ayon kay Gatchalian, kinakailangang matalakay at maaprubahan ang ilang mahahalagang usapin, kabilang ang kumpirmasyon ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Foreign Affairs (DFA), na naantala matapos mapatalsik ng grupo ni Cayetano si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Kaugnay na Balita: Sen. Ping, bumilib sa attitude ni Sen. Joel