Sa hangarin na makapagsimula, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Land Bank of the Philippines na tanggapin ang mga certificate of land ownership awards na iginagawad ng pamahalaan sa mga magsasaka bilang collateral sa mortgage.
Ito ang nilalaman ng talumpati ng Pangulo sa anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program sa Quezon City.
Katwiran ng Pangulo, hindi makahiram ng pera sa bangko ang mga magsasaka dahil sa kawalan ng titulo ng mga lupa kaya dapat nang tanggapin ng Landbank ang mga CLOA para makautang ng pera ang mga magsasaka.
“Now, if you own about one or two hectares, that by itself is a luxury. Kaya mas — aabot ng… A little bit higher than what is used to be now. Kung magamit lang sana nila ma’am ‘yung mga CLOA certificates nila as collateral for mortgage. That’s the only way na magamit. Hindi nila magamit eh. So Land Bank has to accept it by way of mortgage para makapaghiram ng pera,” ayon sa Pangulo.
Una nang sinabi ng DAR na mahigit 47,000 na agrarian beneficiaries na ang nabigyan ng CLOA o katumbas ng 71,000 ektaryang lupa.
-Beth Camia