Magiging komportable na ang mga right at left handed na estudyante sa kanilang mga inuupuan sa partikular, lalo na sa pagsusulat.

Ito ay makaraang opisyal nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na nagbibigay mandato sa lahat ng paaralan na magkaroon ng neutral desks o armchairs para sa right-handed at left-handed na mga mag aaral.

Ang Republic Act No. 11394 o Mandatory Provision of Neutral Desks in Educational Institutions Act ay nag-aatas sa mga pribado at pampublikong paaralan na magbigay ng neutral desks o armchairs na angkop para sa right-handed at left-handed students.

“It shall be obligatory for all educational institutions, both public and private, that make use of armchairs in the classroom to provide neutral desks to all students,” nakapaloob sa batas.

FPRRD, may agam-agam umano sa Halalan 2025 ayon kay VP Sara

Noong Agosto 22 nilagdaan nf Pangulo ang nasabing batas.

-Beth Camia