CEBU CITY – Tatlong katao ang naiulat na nasawi habang nasa 24 pa ang pinaghahanap nang masunog ang sinasakyang pampasaherong barko habang naglalayag patungong Dapitan City, Zamboanga del Norte, kaninang madaling araw.

INFERNO Nilalamon ng apoy ang MV Lite Ferry 16 kasunod ng pagsiklab ng engine room nito habang naglalayag patungong Dapitan City, Zamboanga del Norte, kahapon ng madaling araw, na ikinasawi ng tatlong katao, kabilang ang isang sanggol.

INFERNO Nilalamon ng apoy ang MV Lite Ferry 16 kasunod ng pagsiklab ng engine room nito habang naglalayag patungong Dapitan City, Zamboanga del Norte, kahapon ng madaling araw, na ikinasawi ng tatlong katao, kabilang ang isang sanggol.

Kinilala ni Dapitan City Health Officer, Dr. Rolito Cataluña, ang dalawa sa tatlong nasawi na sina Chloe Labisig, 1, at Danilo Gomez, 60.

Ang ikatlong sa mga ito ay kinilala naman ni Dapitan City tourism officer, Apple Marie Agolong, na si Roland Heneral,  isang senior citizen, na natagpuang palutang-lutang sa karagatan sa bahagi ng Barangay Guimputlan ng nasabing lungsod.

National

Akbayan, kinondena isiniwalat ni SP Chiz na pagkatapos ng SONA lilitisin impeachment vs VP Sara

Gayunman, hindi pa nito matiyak kung paano nasawi sina Labisig at Gomez.

“They were rushed to a hospital. They died not because they drowned or due to burn injuries. Probably they got suffocated by the life jackets that they wore improperly,” ayon naman kay Lt. Junior Grade Cherry Rose Manaay, Philippine Coast Guard (PCG)-Dapitan commander.

Sa pahayag ng Lite Shipping Corporation sa Cebu City, aabot sa 180 ang pasahero ng MV Lite Ferry 16, bukod pa ang 38 na tripulante nito.

Kinumpirma naman ng PCG-Central Visayas, nasa 270 pasahero at tripulante ang nasagip sa insidente habang patuloy na pinaghahanap ang 24 iba pa.

Naiulat na dakong 6:00 ng gabi ng Martes nang umalis ang barko sa Samboan Wharf  sa Samboan, Cebu at inaasahang dadaung sana ito sa Bgy. Pulauan, Dapitan City, kahapon, dakong 1:00 ng madaling araw.

Sinabi ni Manaay, dakong 12:30 ng madaling araw nangh makatanggap sila ng tawag mula sa shipping line na nasusunog ang nasabing sasakyang-pandagat.

Nasa apat na nautical miles pa ang barko mula sa daungan nang sumiklab ang engine room nito.

“During the rescue operations, the boat was already five nautical miles from the port since it was drifted by big waves,” ayon kay Manaay.

Itinanggi rin ni Manaay na ang kumalat sa social media na umabot muna ng apat na oras bago nakapagrsponde ang mga tauhan ng PCG.

“We are 4.2 nautical miles from the distressed vessel. What we did was we immediately sought help from another vessel which is the Fastcat. They were the first responder in the area. We called up the boat (Fastcat) and asked them to conduct rescue operations. At the same time, our boat that was docked in Pulauan Port was dispatched right away as well as our cargo vessel and motor bancas,” ayon pa kay Manaay.

-Calvin D. Cordova, Betheena Kae Unite, at Fer Taboy