SIKLAB!

Ni Annie Abad

PUERTO PRINCESA – Tunay na dugong kampeon ang nananalaytay sa pamilya Yulo.

Nagsisimula nang gumawa ng sariling pangalan si Karl Eldrew Yulo ng Team Manila sa nakamit na limang gintong medalya sa gymnastics event ng 2019 Batang Pinoy National Finals nitong Martes sa Puerto Princesa Coliseum.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

HATAW si Karl Eldrew Yulo sa nakamit na limang gintong medalya sa gymnastics  sa 2019 Batang Pinoy National Championships sa Puerto Princesa, Palawan.

HATAW si Karl Eldrew Yulo sa nakamit na limang gintong medalya sa gymnastics sa 2019 Batang Pinoy National Championships sa Puerto Princesa, Palawan.

Ratsada ang 11-anyos na si Yulo, nakababatang kapatid ng National Team member  at ang kauna-unahang Filipino gymnast na nag-uwi ng medalya buhat sa World Championships na si Caloy Yulo, sa events na vault, mushroom, floor exercise, invidual all around at parallel bar, habang nakakuha siya ng silver sa high bar.

"Talaga pong pinaghandaan ko ang game ko. Halos araw-araw po nag-training po ako kasi gusto ko pong maka-gold po. Gusto ko rin pong makalaro sa Philippine Team tulad ng kuya ko,” sambit ni Yulo.

Mula sa mahirap na pamilya, ang mga Yulo ay kabilang sa mga kabataang napagtuunan ng pansin ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) habang naglalaro sa kalsada gamit ang luma at patapon na kama.

“Hindi po kami nagpapapabaya sa ensayo, kasi po ito pong sports ang nakatulong sa amin,” aniya.

"Mas malalakas yung kalaban ko dito, pero sabi ko laro lang at gawin yung itinututo ni coach.”

Sa cycling, nanguna si Chelsea Sophia Periodico ng Sta. Rosa, Laguna sa girls Individual Time Trial (ITT) sa tyempong 09:04, laban kina Sophia Psalm Belican ng Malaybalay City (9:55) at Asia May Celestine Araneta ng Davao City (9:54).

Sa boys ITT class, nanaig si Homer Bordeos ng Pangasinan sa bilis na pitong minuto at 36 segundo, habang sumegunda si Lawrences Redila (7:43) kasunod si Joel dela Rosa Jr. ng Puerto Princesa (7:53).

Hataw din ang isa pang Siklab Youth awardee na si Mariel Abuan ng Zambales  sa impresibong panalo sa girls high jump sa layong 1.54 meters, habang tinanghal na ‘Sprint Princess’ si Krisha Aguillon ng Bacolod City sa gintong medalya sa 100m run sa tyempong 12.7 segundo.

Nakuha naman ni Marc Angelo Daroy ng New Washington, Aklan ang “Sprint Prince’ title sa bilis na 11.4 segundo, habang gold medallists sa 2000 meter walk sina  Lyka Catubig ng Davao City (10.57.09) at Aaron Gumban ng Sto. Tomas Davao del Norte (17:15.30) sa kani-kanilang dibisyon.

Sa arnis, nagpakitang gilas si Ram Cyril Deloso ng Iloilo City matapos magwagi sa Cadet boys Individual 1 weapon event, habang si Eliyah Cervantes naman ng Pasig City ang siyang nakakuha ng ginto sa girls category ng individual 1 weapon.

Ang nasabing kompetisyon na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) at suportado ng Milo ay tatagal hanggang Agosto 31.