MULING iginiit ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa boxing community na makipag-ugnayan sa ahensiya, higit sa isyu ng proseso ng mga dokumento sa pagbiyahe sa abroad upang makaiwas sa aberya at pananamantala.

NABIGO si Saludar na maidepensa ang korona laban sa Puerto Rican contender

NABIGO si Saludar na maidepensa ang korona laban sa Puerto Rican contender

“Lagi naming sinasabi sa ating mga matchmakers, promoters, managers, trainors at boxers at iba pang bahagi ng boxing stable na makipag-ugnayan sa GAB in case na may aberyang nakikita sa kanilang mga dokumento, higit kung lalaban sa bansang kailangang mag-secure ng visa,” pahayag ni Mitra.

Iginiit ni Mitra na ang nangyari kay Michael Jojo Palacio, head trainer ni Vic Saludar, ay isa pang kaganapan na naiwasan kung agad itong dumulog sa GAB.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Ayon kay Mitra, naikuwento ni Kenneth Rontal, manager ni Saludar, na hindi nakasama sa biyahe si Palacio patungong Puerto Rico matapos mabigong makakuha ng visa.

Aniya, isang Ronald Jerez ang kinausap ni Palacio para tumulong sa proseso ng kanyang aplikasyon sa visa, ngunit hindi nito inayos ang aplikasyon, sa kabila ng kompletong bayad na ibinigay ni Palacio.

“Alam po ni Jojo na hindi GAB licensed yung (Ronald) Jerezl,pero nagtiwala siya. Yung nga walang nangyari dahil nalaman niya wala pala siyang scheduled interview.,” ayon kay Rontal, hindi rin nakasama sa biyahe para bantayan ang ama na nag-aagaw buhay.

Sa kawalan ng kasama sa laban, ilang boxing aficionado ang nagsasabing nadaya si Saludar sa kanyang World Boxing Organization (WBO) minimumweight title defense kontra mandatory challenger Wilfredo Mendez nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa San Juan,Puerto Rico.

Napatumba ni Saludar rang local star sa ikalimang round, ngunit natapos ang laban via unanimous decision pabot kay Mendez. Nakuha niya ang ayuda ng hurado sa 117-110, 116-111 at 115-112.

Sinabi ni Mitra na may pananagutan ang promoter para sa pagbibigay ng mga dokumento na magagamit sa pagkuha ng visa, subalit sa sitwasyon na naganap, nagawan sana ng paraan kung agad na dumulog ang grupo ni Saludar sa GAB.

Bunsod ng kabiguan, bumagsak ang karta ni Saludar sa 19-4, tampok ang 10 Kos, habang umusad si Mendez sa 14-1 na may limang KOs. Nabawasan din ang talaan ng world champion ng bansa na kinabibilangan nina Manny Pacquiao, Nonito Donaire at Jerwin Ancajas.

-Edwin Rollon