PAREHONG number 3 ang suot na jersey nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa ginanap na All-Star Games 2019, na ginanap last Sunday sa Smart Araneta Coliseum, bagay na ginawan ng isyu.

julia at gerald

May nag-comment na paunti-unti nang inire-reveal ng dalawa ang kanilang relasyon, may nag-comment na bagay na bagay ang dalawa. May nagsabi pang sweet si Gerald dahil ginaya ang jersey number ni Julia.

May nag-comment namang si Julia ang nanggaya dahil dati pang number 3 ang jersey number ni Gerald kahit noong sila pa ni Maja Salvador. May nag-akala namang secret message ng dalawa ang number 3.

To the rescue agad si Marjorie Barretto, ang ina ni Julia at sinagot ang nag-comment na “number 3 rin si @geraldandersonjr” ng “let me correct this before the story gets big and out of hand again. Number 3 has always been Julia’s jersey number since her high school volleyball varsity days. No special meaning.”

Tsika at Intriga

Testing the waters? Kampo ni Sarah Geronimo, nilinaw usap-usapang tatakbo siya sa eleksyon

Pero kahit nilinaw na ni Marjorie ang isyu, marami pa rin ang naniniwalang may parte sa relasyon nina Gerald at Julia ang number 3.

-NITZ MIRALLES