MASELAN at sensitibo ang tema ng Cuddle Weather na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at RK Bagatsing pero mukhang nahawakan naman nang maayos ng scriptwriter-director nilang si Rod Cabataña Marmol.

sue at rk

Sex workers ang role nina Sue at RK na umibig sa isa’t isa kahit na alam nilang hindi dapat. Sex movie with a heart o sexy rom-com ang genre nila, bagong mga kumbinasyon, kaya umaasa ang Regal Entertainment na magugustuhan ito ng moviegoers.

Entry ang Cuddle Weather sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa Setyembre 13.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ayon kay Sue, ito na ang pinaka-daring niyang role.

“Pero hindi siya daring in terms of hubaran lang kundi lalo na sa dialogs na baka isipin ng mga tao na bastos,” sabi ng aktres at idinugtong na diretsahan ang paggamit nila ng mga katawagan sa Tagalog sa maseselang bahagi ng katawan at sexual acts.

“Malaking bagay na we had a heart-to-heart talk muna ni RK with our writer and director, and we had a two-day workshop before we shot the movie, para ma-orient kami nang husto sa roles namin and the very frank dialogue that we’re supposed to deliver. Alam na namin kung ano ang kaya at hindi namin kayang gawin. Ako naman, it’s no big deal for me. Kasi I grew up with my dad sick and nakikita ko siyang umihi sa bote so sanay ako sa ganyan. ‘Di ako nao-offend saying the private parts ng mga tao even in Tagalog.”

Hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role bilang “pokpok”.

“Kasi may tiwala naman akong poprotektahan ako ng Regal at ni Direk Rod. Hindi naman porno ang ginagawa namin, eh. We also had an immersion sa Poblacion and interviewed actual sex workers there. We get to understand their plight and it helped us a lot in interpreting our roles.”

Nagustuhan niya ang role niya sa pelikulang ito.

“Maganda talaga ang role ko as Adela Johnson. Binabasa ko ko pa lang ‘yung script, natatawa na ako. Kung ano’ng hinihingi ni Direk for the role, ibinigay ko ang aking 100 percent. Na-in love din kasi ako agad sa story after reading the script, the unusual relationship of a call girl and a call boy. Sexy rom-com at love story ng dalawang pokpok.”

Ayon kay Sue, hindi kaaasaran kundi kaaawaan ang roles nila ni RK sa Cuddle Weather.

“People wouldn’t know what to expect in this movie. You will definitely see something that you’ve never seen before. Kasi prostitutes sina Adela at Ram. They do the act with your customers and pretend they are having pleasure. Pero pag-uwi mo sa bahay, mag-isa ka, wala kang kayakap, walang ibang taong nandiyan para maka-share mo ng feelings mo.

“Ganun ako rito, akala mo matapang but soft inside, until I meet nga si RK na baguhan lang sa sex business at ako ang naging mentor niyang nagturo sa kanya ng mga dapat niyang gawin kasi mas veteran ako sa trabaho namin. What we’ll show here are not just the sensitive, sexy scenes. The movie is more than that. It’s for mature audiences and is about the real feelings of people who have to sell their own bodies just to earn a living. So when you watch, don’t pass any judgment agad on Adela and Ram because you don’t know what they are going through. Just watch muna their whole story, their real story.”

-DINDO M. BALARES