TWO birds in one stone ang datingan ng Viva Films dahil parehong kumita ang pelikulang Angel Has Fallen (Viva Films International) at Just A Stranger na nagbukas nitong Agosto 21.

anne at marco

Ikatlong franchise na ang Angel Has Fallen ni Gerard Butler (sumunod sa Olympus has Fallen, 2013 at London has Fallen, 2016). Wala namang binanggit sa amin kung magkano ang kinita ng 1st day ng pelikula, ang sabi lang, “highest grossing opening day for the franchise.”

Anyway, nagdiriwang ang mga taga-Viva dahil kumabig ang Just A Stranger ng P12.5 million sa unang araw ng showing, kaya hanggang tenga rin ang ngiti nina Marco Gumabao at Anne Curtis dahil tagumpay ang partnership nila.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Parehong kabado ang magkatambal pero confident pa rin silang kikita ang pelikula dahil maganda ang istorya ni Direk Jason Paul Laxamana.

Hayan, ang gaganda ng reviews ng pelikula ni Direk Jason Paul, siguro naman hindi na siya mapipikon kumpara sa mga rebyu sa pelikula niyang The Day After Valentine’s nina Bela Padilla at JC Santos.

Samantala, halos iisa ang feedback sa Just A Stranger, “ang ganda ng kuwento at makatotohanan, tama si Anne sa sinabi niya, “we’re gonna pay for this” at nangyari nga.

-Reggee Bonoan