Hiniling ng gobyerno ng Libya sa Pilipinas na ikonsidera ang pagpapadala ng mga nurse at iba pang manggagawang Pinoy sa Mediterranean state, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules.

Ang request ay ipinahayag ni Libyan Health Minister Ahmed Mohamed Omar na nakipagkita kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Manila nitong Martes.

Sa bulletin na ipinadala sa mga mamamahayag, inihayag ng DFA, sa pamamagitan ni Assistant Secretary Emmanuel Fernandez, na Locsin “promised to look into the request.”

Sa kasalukuyan, nakataas ang Alert Level 4 sa kabisera ng Libya, sa Tripoli at mga kalapit nitong lugar, kaya ipinagbawal ang pagpapadala ng mga OFW doon at pinabalik sa bansa ang aabot sa 1,000 manggagawang Pinoy na nagtatrabaho sa Tripoli.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa naganap na pagpupulong, tinalakay din nina Locsin at Omar ang mga hakbang na inilalatag ng Libyan government upang masolusyunan ang mga hinaing ng mga Pinoy doon hinggil sa remittance at suweldo, kabilang ang delay at nonpayment of salaries ng mahigt 1,000 Pinoy nurses at hospital workers sa Libya.

Bago magtungo sa Manila, siniguro ng Libyan official sa Philippine embassy sa Tripoli na sinosolusyunan na ng gobyerno ng Libya ang isyu at nakikipagtulungan ito sa Office of the Prime Minister at Ministry of Foreign Affairs, Ministry of Labor, at Ministry of Finance.

Sinabi rin ni Omar sa embahada na ang “comprehensive review of existing policies in the payment and remittance of salaries and benefits of expatriate health workers is now ongoing.”

May itinalaga nang opisyal na makikipagtulungan sa embahada para sa maayos at mabilis na pagresolba sa mga problemang inirereklamo ng mga Pinoy hospital workers.

“Minister Omar also said representations have been made with the Central Bank of Libya to allow Filipino and other expatriate nurses and hospital workers to remit as much as 70 percent of their salaries,” lahad ni Embassy Chargé d’Affaires Elmer Cato.

“He said the Libyan government is also planning to adjust the salaries of foreign hospital workers to ensure that they will continue to get the original dollar equivalent indicated in their employment contracts,” dagdag pa niya.

Nakipagkita si Omar, kasama si Libyan embassy in Manila Chargé d’Affaires Ahmed Eddeb, sa mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Health (DoH) sa kanyang pagbisita sa Manila, at bumisita rin ang opisyal sa ilang pharmaceutical companies sa bansa.

PNA