APRUB pala ng mommy ni Derek Ramsay kay Andrea Torres na maging girlfriend niya ngayong loveless na ang Kapuso hunk actor, matapos ng break up nila ng ex-girlfriend niyang si Joanna Villablanca.

Derek at Andrea

So hindi nagkakamali ang netizens na sumusubaybay sa primetime sexy-drama series na The Better Woman na mukhang may something na between the lead stars. Hindi naman nag-deny si Derek sa pagsasabing nagustuhan ng mommy niya si Andrea nang makilala ito noong mediacon ng The Better Woman. Madali raw silang nagkapalagayan ng loob.

Na-meet na rin pala ng parents ni Derek ang parents ni Andrea nang imbitahin ang family nito noong 76th birthday ng daddy ng aktor last July 31 at magkasundo raw ang both family.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Hindi rin naman inilihim ni Derek na inimbita niya si Andrea na sumama sa Shanghai, China para dumalo ng World Flying Disk Federation 2019 Asia Oceanic Ultimate and Guts Championships.

Hindi pala alam ni Andrea kung ano iyong Frisbee competition na sinasalihan ni Derek, kaya nang minsang isinama niya ang aktres sa practice niya, ay tinanong ng aktor kung gustong sumama ni Andrea sa kanya sa Shanghai, China. Hindi raw naman tumanggi si Andrea dahil first time niyang makapanood ng Frisbee match.

“Sinamahan niya ako, sinuportahan sa competition,” sabi ni Derek. “Nanghinayang lamang ako na hindi ko siya naipasyal sa Shanghai dahil first time din lamang pala niyang pumunta roon. Nagpunta kami roon July 23 – 27, pero five days din kaming may laro, three times a day, kaya doon lamang kami.”

Pero hindi pa rin inamin ni Derek na sila na nga ni Andrea.

“She’s a great woman, a very talented actress and even better human being, she loves her family. Her mom always come on the set, natutuwa ako roon, dahil makikita mo na mahal niya ang kanyang family, ganoon din ako, very important sa akin ang family ko. At may bonus pa, Andrea is beautiful.”

Sa ngayon ay patindi na ng patindi ang mga eksena sa The Better Woman at naiipit si Andrew (Derek) sa pagitan ng kambal na sina Jasmine, his wife, at Juliet, dahil nabuntis niya si Juliet nang magpanggap itong siya si Jasmine. Saka naman suwerteng nabuntis din si Jasmine. Ano kaya ang mangyayari?

Ang The Better Woman ay napapanood sa bagong timeslot, pagkatapos ng romantic comedy series na Love You Two.

-NORA V. CALDERON