PINAGPIPYESTAHAN ngayon sa social media ang grupong GT (dating GirlTrends ng It’s Showtime) dahil hindi raw sabay-sabay, watak-watak at mukhang hindi napaghandaan ng GT Members ang kanilang production number na napanood sa It’s Showtime, nitong weekend.

GT

Ang pitong members ng GT ay binubuo nina Dawn Chang, Mica Javier, Chienna Filomeno, Krissha Viaje, Mikee Agustin, Jessica Marasigan, Joana Hipolito, at Sammie Rimando.

Ilan lamang ito sa mga negatibong komento na natanggap ng grupo no’ng sila ay nag-perform sa It’s Showtime ng sing-and-dance production number sa saliw ng How Do You Sleep ni Sam Smith.

Palit kay Karla? Korina, matunog na magiging bagong host ng 'Face 2 Face'

Habang sila’y nagsasayaw, mapapansing may mga pagkakataon na hindi sila nagkakasabay-sabay at nag-trending sa social media ang malamyang number ng all-female dance group.

Sa katunayan, umabot na sa 2.5 million views that day, August 14, ang video clip ng performance ng grupo na naka-post sa Twitter. Inulan ng panlalait at pambabatikos ang GT.

May mga netizen na nagsabing ganda at paseksihan lang daw ang puhunan ng grupo.

Komento ng isang netizen: “Balang araw ‘yang showbiz sa ‘Pinas, mapupuno ng mga magaganda at gwapo na wala namang talent kundi magpaganda/gwapo. Disgusting.”

Tweet ng isa pa: “Sayang lang sa budget mga ate? Hahaha. Buti na lang ‘di nagsabay-sabay.”

Ang ‘tila biting performance ay ilan lamang daw sa mga dahilan kung bakit mas gusto raw nilang suportahan at panoorin ang foreign groups kesa local talents.

“Sadly they don’t take this things seriously. No wonder KPOP is thriving here because the difference is too big not to notice,” tweet ng isa.

Sang-ayon naman dito ang isa pang netizen: “And then they complain why can’t we support our own artists and take pride in our country, like Dios Mio paano ba kung ganito sila.”

Samantala, mayroon din namang netizens na nakapansin at pumuri sa ilang miyembro na nakuha nang tama ang choreography.

Sa gitna ng mga pambabatikos na ito, nag-react ang tatlong miyembro ng GT.

Sa Twitter ay sumagot sina Chienna, Mica, at Sammie.

Inako ni Chienna ang kanyang pagkakamali at humingi ng sorry.

Pero may buwelta rin siya sa panghihiya raw sa kanya ng netizens.

“Yup, ako may sala. Aminado ako. That definitely wasn’t my day. I’m sorry for that.

“Ngayon lang ako naganyan sa three years ko sa GT.

“Eh kayo kailan kayo magiging sorry sa kaka-shame ninyo ng tao na walang ginagawa sa inyo? [smile and heart emoji]”

Inako rin ni Mica ang kanyang pagkakamali dahil kulang daw siya sa tulog.

“Honestly, I did not feel good about today’s performance. No excuses. If you’re given a shot on stage, you should always perform your best.

“I’m running on two hours sleep segue from taping, same day rehearsal, pang lalake pa ‘yung song—wala sa range ko, pero no choice kailangan gawin kasi ‘yun ang binigay.”

Pero diin ni Mica, ginawa pa rin niya ang kanyang trabaho sa abot ng kanyang makakaya.

“Regardless I showed up to work, on time, and still did the job. Moral of the story, lahat tayo nadadapa, mas mahalaga bumangon ka. Do better next time, always keep improving, never give up. It’s a process.”

Kahit sinuman sa grupo ang magpaliwanag sa kanilang matamlay na performances, still, ang ating netizens ay ‘tila nasanay na sa mga perfect production numbers ng mga celebrities lalo na ang mga sing-and-dance performers.

Hindi man nila magaya ang Momoland, na almost perfect ang kanilang acts, ‘wag lang sanang magkakamali at umiwas na magkawatak-watak onstage habang umiindak.

Samantala, trending din sa social media ang version ng GT ng Dudu-dudu verison ng Kpop group na BLACKPINK, dahil giit ulit ng netizens, hindi sila sabay-sabay at wala sa timing ang kanilang pagsasayaw.

Tanong tuloy ng ilan: “Kailan kaya sila magsasabay-sabay?”

-ADOR V. SALUTA