Umani ng katatawanan sa mga host at live audience ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” ang hirit na biro ni Vic Sotto patungkol kay "Little Miss Philippines 2021" at co-host na si Ryzza Mae Dizon, sa Wednesday episode noong Hunyo 10.
Guest kasi bilang player sa segment na "The Age Is Right" ang social media personality na si "Baet" na nagpasikat sa mga bagong pangalan bilang "Sharmaine" sa orange, "Vanessa" sa avocado, at "Melanie" naman sa langaw, sa pamamagitan ng skit.
Maki-Balita: Bakit ‘Sharmaine’ ang itinatawag ng netizens sa prutas na orange ngayon?
Sinabi ni Baet na ang ganda ni Ryzza Mae nang makaharap niya ito.
Tinanong ng host na si Miles Ocampo si Baet o Jericho sa tunay na pangalan, kung anong bagong pangalan ang ibibigay niya kay Ryzza Mae kung magkakaroon ito ng pagkakataon.
Agad namang sumagot si Baet ng “Nicole.”
Hindi naman nagpahuli si Ryzza at pabirong sumagot, “Ate ko Nicole na eh, huwag na po.”
Dahil dito, nagbiro si Miles na mas bagay na lamang umanong tawaging “Ganda” si Ryzza.
Sinang-ayunan naman ito ni Baet at sinabing, “Oo, andiyan na rin naman eh. Tawagin na nating ‘Ganda.’”
Lalong nagliyab ang tawanan sa studio nang sumingit si Bosing Vic at pabirong tanungin si Ryzza kung ano na ba talaga ang pangalan niya.
"Ganda, Ganda na lang," sey ni Ryzza.
Nabanggit naman ni Vic ang host ng kalabang noontime show na "It's Showtime," na si Unkabogable Star Vice Ganda.
“Sorry, Vice Ganda, may pantapat na kami sa ’yo,” ani Sotto na ikinatuwa ng mga manonood at kapwa host.
Marami tuloy sa mga netizen ang tumatawag na ngayong "Ryzza Ganda" o "Ryzza Mae Ganda" sa kaniya.
Wala pang reaksiyon o komento si Vice Ganda tungkol dito.
Speaking of Ryzza Mae, nakakadurog-puso ang kuwento niya sa panayam sa kaniya ni Toni Gonzaga-Soriano sa "Toni Talls."
Naranasan pala ni Ryzza Mae na mapasalitaan nang masakit ng kanilang kapitbahay dahil sa isang nalamatang vase, dahil naglalaro sila ng junakis nito.
Pero sabi nga "table turns" dahil nang yumaman na si Ryzza, siya raw ang bumili ng bahay nito matapos ipagbenta.
Maki-Balita: 'Ganti ng api?' Ryzza Mae Dizon, binili bahay ng matapobreng kapitbahay
Bukod dito, ikinuwento rin ni Ryzza na siya raw ang top 1 na nais tanggalin ng dating management na may hawak sa Eat Bulaga, noong nasa GMA Network pa ito.
Maki-Balita: May batang gustong ipasok!’ Ryzza Mae, top 1 sa muntik nang sipain noon sa Eat Bulaga