POSITIBO ang mensahe ni Kim Chiu sa dating nakasamaan ng loob na si Maja Salvador. Unang nag-ugat ang ‘di pagkakaunawaan ng dalawang Kapamilya actress, nong magkalabuan ang dating magkasintahan na sina Kim at Gerald Anderson na napunta naman kay Maja na pinaghihinaalang “sumalo” sa aktor mula kay Kim.

Kim at Maja

Subalit ‘tila pinaghilom na ng panahon ang nasabing hidwaan, patunay lamang ng pagkakaayos ng dalawa base sa isang video greeting na umere sa Magandang Buhay nitong nakaraang Biyernes, August 16.

Isang makahulugang mensahe ang ipinarating ni Kim kay Maja.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon kay Kim, “Sa amin kasing dalawa ni Maja, nagpapasalamat ako kasi kung ano ‘yung klase ng pagkakaibigan ‘yung gusto ko, ‘yun din ‘yung gusto niya. Parehas kami ng pananaw sa buhay, kung ano ‘yung tapos na, tapos na.

“And buti na lang nagkasundo kami doon, nagkaintindihan kami and it just shows na no matter what happened, kung ano man ang bagay na nakasira sa amin, e, p’wedeng kalimutan at p’wedeng ibalik ‘yung dati, ganyan,” pahayag ni Kim, matapos balikan ang naging nakaraan nila ni Maja.

Isang pasasalamat ang sukli ni Maja para kay Kim.

“Alam mo naman na simula dati pa lang, na mahal kita. Alam kong ibang klase ng friendship ang mayroon tayo and alam mong gusto kong ibalik at i-maintain kung ano ang friendship na mayroon tayo.

“Masaya ako na naibalik ‘yon, at masaya ako na wala tayong pakialam kung mayroon pa ring hindi naniniwala sa kung anong friendship mayroon tayo,” ayon pa sa actress na bida ng The Killer Bride.

Naging laman ng balita ang Instagram (IG) posts ng dalawa kung saan nagkasama silang nagbakasyon sa New York.

Nag-umpisa ang kanilang pagkakaibigan noong magkasama ang dalawa sa teleseryeng Ina Kapatid Anak noong 2003, kung saan ay gumanap sila bilang magkapatid. Sa parehong taon din nagsimula ang hindi nila pagkakaintindihan dahil sa usap-usapang nagkamabutihan sina Maja at Gerald Anderson, na ex-boyfriend ni Kim.

-ADOR V. SALUTA