Ang daming nag-aabang sa airing ng teleseryeng Pamilya Ko na pangungunahan nina Sylvia Sanchez at Joey Marquez bilang mag-asawang Mabunga at gaganap na mga anak nila sina JM de Guzman (Chico), Raikko Mateo (Pongky), Mutya Orquia (Cherry), Jairus Aquino (Persi), Kira Balinger (Lemon), Kiko Estrada (Berry), Kid Yambao (Apol) at Maris Racal (Peachy). Kasama rin sa serye sina Arci Muñoz, Irma Adlawan, Rosanna Roces at Perla Bautista mula sa RSB Unit.

Sylvia

Sa Agosto 20, mapapanood ang full trailer at ang papalitang programa ng Pamilya Ko ay ang Minute to Win It ni Luis Manzano.

Anyway, sa pakikipag-chat namin kay Sylvia ay nasabi niya na maganda ang kuwento ng Pamilya Ko at heavy drama na tungkol problema ng pamilya na may maraming anak na mag-isang nag-aalaga dahil ang asawang si Joey ay isang OFW.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Maganda ang kuwento, puwede kong sabihing kasing bigat ng The Greatest Love. Dito, normal naman ang pag-iisip ko kumpara sa TGL na maysakit,” bungad ni Ibyang.

Tinanong namin kung ano sa tingin niya ang mas maganda, ang The Greatest Love o itong Pamilya Ko.

“Magkaibang kuwento pero parehong maganda at mabigat, mamahalin ng viewers ang lahat ng karakters dito,” say ni Luz Mabunga (karakter ni Ibyang).

Puring-puri rin ng aktres si JM dahil para sa kanya ay lumabas ang galing ng aktor sa pag-arte.

“Mahusay naman talagang umarte si JM sa lahat ng soap drama niya, dito, nakitaan ko siya ng ibang pag-arte. Mahusay talaga siya!”diin ng aktres.

Gustung-gusto ni Sylvia ang mga anak niya sa Pamilya Ko dahil lahat daw ay mababait, walang mga pasaway at lahat dumarating sa set ng mas maaga pa sa call time.

Samantala, natanong ang aktres tungkol sa closeness nila ni JM na inamin din ng anak niyang si Ria Atayde na super close nga ang nanay niya sa binata.

“Oo, close kami talaga ni JM, hindi ko naman dini-deny. Mabait si JM, wala akong problema sa kanya at malambing pa. Pumupunta ‘yan dito sa bahay, magalang at ma-respetong bata,” pahayag ng aktres.

Matagal namang nasabi ni Ibyang na boto siya kay JM kung sakaling manligaw kay Ria pero sa ngayon ang alam niya ay magkaibigan ang dalawa at nag-usap na uunahin muna nila ang kanilang respective careers.

Ito rin naman ang inamin ni Ria kamakailan sa amin na nag-usap na sila ng aktor na mag-focus mula sila at ayusin kung ano ang dapat ayusin lalo na sa personal nilang mga buhay.

Anyway, tinanong namin si Sylvia sa tsikang nalaman naming kasosyo nila si JM sa negosyong itinayo nila at kasama rin si Brandon Vera pero habang tinitipa namin ang balitang ito ay hindi kami nasagot pa.

-REGGEE BONOAN