Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ipinagbawal nito ang mga marine survey ships kabilang ang mula sa China, na maglayag sa karagatang sakop ng Pilipinas.
“I banned marine survey ships, amending restriction to France & Japan by adding China. To pick & choose invites suspicion of favoritism. Will universalize the ban. Period. Granting exception to one country will automatically lift ban universally. Exceptions invite bribes,” tweet ni Locsin, sa naging reaksiyon nito sa pahayag ni Sec. Panelo na walang nakikitang mali kung hihingi man ng ayuda sa Amerika ang bansa sa pag-monitor sa Exclusive Economic Zone (EEZ).
Nais ng DFA chief na makita ang aniya’y “academic qualifications of the UP guys looking for a cruise” nang tanungin siya ni maritime law expert Jay Batongbacal kung papayagan ang maritime scientific research sa Pilipinas.
“UP had taken initiative of organizing MSR projects but also got banned because we invited foreign scientists or asked to use foreign ships. We end up losing opportunities 4 tech transfer & experience,” ayon kay Batongbacal.
Iginiit naman ng kalihim na hindi niya papahintulutan ang "PoliSigh and the rest of that mushy crap."
Unang napaulat na may dalawang barko ng China na nakitang kumikilos sa EEZ ng Pilipinas.
Ayon naman kay Ryan Martinson, assistant professor ng China Maritime Studies Institute ng US Naval War College, na nagsasagawa ng marine scientific research sa EEZ ngayong linggo ang Chinese oceanographic survey ships Zhanjian at ng Dong Fang Hong 3.
Aniya, nag-o-operate ang Zhanjian sa EEZ ng bansa nitong Sabado, habang namataan ang Dong Fang Hong 3 malapit sa hilagang Luzon nitong Miyerkules.
-ella Gamotea