July 26, 2026

Home BALITA Politics

Senador na bet lumipat sa Gatchalian bloc, nag-aalangan dahil takot mabugbog ng trolls, bashers

Senador na bet lumipat sa Gatchalian bloc, nag-aalangan dahil takot mabugbog ng trolls, bashers
Photo courtesy: File photo

May ibinunyag si Sen. Erwin Tulfo hinggil sa isa umanong senador na gusto na raw sanang lumipat sa kanilang paksyon sa ilalim ng liderato ni Senate President Pro Tempore at Acting Senate President Win Gatchalian.

Sa panayam ng isang radio news program nitong Lunes, Hunyo 15, 2026, inihayag ni Tulfo na tila natitigilan sa paglipat ng paksyon ang naturang senador dahil sa nakaambang bashing at pag-aatake sa kaniya ng trolls online.

"May isa na ang gusto nila magtrabaho pero dahil nga itong grupo na ito, ang problema n'ya baka siya ay talagang mabubugbog ng mga basher, mga vlogger, mga troll," ani Tulfo.

Paliwanag pa niya, "Pero yung kaniyang pamilya, kaniyang mga anak, gusto na siyang pumasok na at magtrabaho."

Kaugnay nito, ibininahagi rin ni Tulfo ang bilang ng mga senador na nagnanais na sumama sa kanilang paksyon.

Politics

'Mas importante sa kanila sikmura!' SP Win, nagkomento sa mababang ratings ni PBBM!

"May hinihikayat na aside from Sen. Joel, may dalawa pa sa lalaki at sa babae kung mahihikayat. Pero ongoing naman yung usapan bilang magkakaibigan," anang senador.

Samantala, nagpasalamat din siya kay Sen. Joel Villanueva, matapos ihayag ng senador ang kaniyang balak na dumalo sa special session kung sakaling maitakdang isagawa ito.

"Kami po nagpapasalamat in advance kay Sen. Joel for sabi n'ya na mag-aattend siya kung may special session at sana pati yung iba na rin ay umattend na rin siguro para matapos, magampanan namin yung aming mga trabaho," giit pa ni Tulfo.

Matatandaang noong Linggo, Hunyo 14, nang ipaabot ni Sen. Joel ang kaniyang video message na ibinahagi ni Jesus Is Lord Church Worldwide kung saan binanggit niya ang pagnanais na makapagtrabaho na raw muli ang Senado.

“The Senate staff should not be caught in the middle of the fight. Hindi pwedeng puro away na lang. Bilang mga lingkod bayan prayoridad po dapat natin ang siguruhin na patuloy na nagtatrabaho ang bawat isa sa atin. Lalo na ang Senado para po sa ating mga kababayan,” pahayag ni Villanueva. 

Dagdag pa niya, “Sa pagkakataon po na magkaroon ng special session tutuparin po natin ang ating sagradong tungkulin sa ilalim ng ating Saligang batas. We will be there.”

KAUGNAY NA BALITA: 'Hindi pwedeng puro away na lang!' Sen. Joel, bet humarap sa special session