NATATAWA na lang ang sumusubaybay sa real life teleserye ng mga Barretto sa parinigan ng magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto dahil sa isyu nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto.

Marjorie at Gretchen

#TeamBea si Gretchen kahit pamangkin niya si Julia at pati si Claudine Barretto, #TeamBea rin.

Bukod sa suporta by posting encouragement posts, nagpadala pa ng flowers sina Gretchen at Claudine kay Bea.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Noong isang araw, pinalitan ni Marjorie ang kanyang Instagram (IG) profile ng “Ghost Writer” bilang pang-asar siguro kay Gretchen na inakusahan ang kampo ni Julia na kumuha ng ghost writer at siyang sumulat ng statement at sagot ni Julia sa mga akusasyon at isyu laban sa kanya.

Hindi nagpatalo si Gretchen sa kapatid, pinalitan din niya ang IG Profile niya ng “Ghost Buster” kaya ayun, ang saya ng netizens na nagpapalitan ng comments sa social media.

Hintayin natin kung ano naman ang ilalagay ni Claudine sa kanyang IG profile at tiyak na dagdag na tuwa at tawa rin sa netizens ito.

Samantala, si Julia naman ay nag-post ng “Next Chapter” sa kanyang Instagram na limitado pa rin ang puwedeng mag-comment. Kaya nganga ang gustong mag-comment at sumali sana sa isyu.

Isa sa mga nag-comment sa post ay si Kris Aquino na nagsabing, “Nobody else can write that next chapter but you. Own it, live it, and be proud of it” na sinagot naman ni Julia ng “Hugs, Tita Kris.”

-Nitz Miralles