Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na panatilihin ang magandang imahe sa publiko at tiniyak ang pagpapatatag pa ng gobyerno sa kakayahan nito.
Ito ang bahagi ng talumpati ni Duterte nang dumalo sa ika-118 anibersaryo ng pulisya, sa Camp Crame, Quezon City, nitong Biyernes.
Pinaalalahanan din nito ang pulisya na pairalin ang batas, itigil at kontrolin ang kurapsyon, panatilihin ang kapayapaan at kaasyusan, at tiyakin ang kaligtasan at internal security ng publiko.
"In all of these undertakings, I call upon you to keep your integrity intact as you uphold the highest ethical and professional standards in public service. Now, more than ever, we need to rebuild and sustain the confidence of the Filipino people in our police force," aniya.
Makaaasa rin aniya ang PNP ng suporta ng pamahalaan kasabay ng kautusan nito sa mga pulis na ipatupad ang batas.
"Be assured of strong government support in strengthening the capabilities of the PNP in securing and ensuring the welfare and protection of your personnel. I enjoin the entire organization to control its efforts to enforce the rule of law, prevent and control corruption and maintain peace and order, and ensure public safety and internal security," paliwanag ng Pangulo.
Kumpiyansa rin ang Pangulo na matatamo ng kanyang administrasyon ang ligtas, malakas at mas mapayapang hinaharap para sa mamamayan dahil na rin sa “walang alinlangang pangako” ng pulisya sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin.
Kaugnay nito, pinahalagahan din ng Pangulo ang ipinakitang maigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad, illegal drugs, illegal gambling, at iba pang uri ng terorismo, gayundin ang pagsisikap na malinis ang kanilang hanay.
"Your strong campaign and operations against criminality, illegal drugs, illegal gambling and other forms of terrorism, as well as the efforts of internal cleansing in the PNP, are truly commendable. The entire Filipino nation is truly grateful to your almost 193,000 PNP [personnel] who are currently deployed in the National Headquarters, Police Regional Offices across the country, and the various PNP National Support Units," pagdidiin pa ng ng punong ehekutibo.
-Argyll Cyrus B. Geducos