Isang sanggol na lalaki ang nasawi nang matupok ang kanilang tahanan sa Cainta, Rizal, nitong Miyerkules ng gabi.

NATUSTA16

Ang bangkay ng isang taong gulang na si Andrei Bronosa, ay natagpuan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa loob ng kanilang tahanan matapos na maapula ang apoy.

Sa report ng Cainta Municipal Police Station, ang sunog ay naganap sa bahay ng biktima sa Masipag Street, Riverside 2, Barangay Sto. Domingo, dakong 8:22 ng gabi.

Pinoy sa Israel, kritikal kondisyon dahil sa missile ng Iran

Natuklasan ng pulisya, iniwanan lamang umano ng kanyang ina ang biktima sa mezzanine ng kanilang bahay dahil may pinuntahan ito ngunit pagbalik ay nakitang nasusunog na ang bahay.

Kaagad namang nakaresponde ang mga pamatay-sunog ngunit hindi na naisalba pa ang sanggol.

Idineklara ng BFP na fire under control, dakong 8:53 ng gabi.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.

Hindi pa madetermina ng arson investigator ang naabong halaga ng ari-arian.

-Mary Ann Santiago