SA unang tingin, nauna ang My Jopay. Ngunit, sa huli, itinanghal nakampeon ang Shanghai Grey sa maulan na ratsadahan sa 2019 Philippine Racing Commission’s Lakambini Stakes Race nitong Linggo sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

MY JOPAY! Nakaungos ang My Jopay sa gitgitang ratsadahan sa finish line, ngunit dineklara itong runner-up kay Shanghai Grey bunsod ng teknikalidad sa 2019 Philippine Racing Commission’s Lakambini Stakes Race.

MY JOPAY! Nakaungos ang My Jopay sa gitgitang ratsadahan sa finish line, ngunit dineklara itong runner-up kay Shanghai Grey bunsod ng teknikalidad sa 2019 Philippine Racing Commission’s Lakambini Stakes Race.

Sa gabay ni jockey MM Gonzales, humarurot ang My Jopay sa krusyal na sandali para maungusan ang Shanghai Grey, sakay si jockey JB Hernandez para makuha ang pangunguna sa 1,6000-meter race.

Subalit sa ginawang reviewed sa photo finish, binawi ng Philracom’s Board of Stewards ang panalo bunsod ng teknikalidad.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

“Stewards repeatedly reviewed the tape of the race and observed that during the jump out, My Jopay sharply shifted in unto Shanghai Grey denying the latter a fair start. At the final turn, My Jopay shifted ground outwards 10-horses wide, carrying Shanghai Grey further outside. Stewards ruled that the two infractions committed on Shanghai Grey merited the disqualification of the winner (My Jopay) and alter the original order of arrival,” pahayag ng Philracom sa opisyal na media statement.

Pinatawan din si Jockey MM Gonzales ng 156 racing days suspension bunsod ng ‘foul riding’. Kaagad namang inamin ng jockey ang pagkakamali.

Tinanggap ng may-ari ng Shanghai Grey na si Melanie Habla ang premyong P900,000, habang ang breeder na si Erwin Habla ay nakapag-uwi ng P60,000 mula sa kabuuang P1.5 milyon na papremyo ng Philracom.

“Game plan nami n pasabay-sabay lang sa top 3, tapos hataw sa rekta. Malinaw sana na panalo kung walang interference,” sambit ni Hernandez. Aniya, habang papasok na ang hatawan sa huling kurba, napansin niyang nasa kaliwang bahagi niya ang pamalo ni Gonzales dahilan para makaungos ang dalang My Jopay.

Sumegunda ang My Jopay, pagmamay-ari nni owned by Moses Villasenor, at naibulsa ang runner-up pot na P337,500 sa karera na tinampukan ng pinakamatitikas na fillies.

Pangatlo ang My Shelltex (may-ari si Antonio Tan, jockey JB Guce) para sa premyong P187,500, habang pang-apat ang Shanghai Grey’s stablemate na Two Timer (jockey JA Guce) para sa P75,000.

Sa iba pang karera, ang mga nagwagi ay (Race 1), Cavite Royale (Race 2), Hardliner (Race 3), Ifyourhonorplease (Race 4), Triton (Race 6), Early Bird (Race 7), Fort McKinley (Race 8), Concert King (Race 9), Daanbantayan (Race 10), Desert Gold (Race 11) at Halo Wander (Race 12).

Samantala, ipinahayag n g P h i l r a c o m a n g pagsasagawa ng charity races ngayong buwan upang maayudahan ang mga biktima ng pagtama ng lindol sa Batanes.

Nakalinya pang bitiwan sa programa ng Philracom ang Sampaguita Stakes Race sa Sept. 15 at ang first legs ng Juvenile Fillies and Colts Stakes Races sa Oct. 6 at ang 3YO Imported/Local Challenge sa Oct. 20.

Susundan ito ng 2nd leg ng Juvenile Fillies and Colts Stakes Races sa Nov. 3, ang Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup sa Nov. 17 at ang 2nd leg ng 3YO Imported/Local Challenge sa Nov. 24.