MAKIKITA ang tunay na kalagayan ng industriya ng pelikulang Pilipino sa magkasabay na 15th Cinemalaya Film Festival at ang pananalasa sa box office ng Hello Love Goodbye.

MINA-ANUD_Dennis and Jerald_2

Parehong pista ang atmosphere ng dalawang event, masaya ang mahihilig sa indies at masaya rin ang mas pabor manood ng mainstream movies.

Dinudumog ang gala screenings sa Cultural Center of the Philippines at patuloy ring punuan ang mga sinehang nagpapalabas ng Hello Love Goodbye na tumabo na ng P250M simula noong Miyerkules hanggang nitong nakaraang Linggo.

Tsika at Intriga

Kris kumambyo, inedit post tungkol sa hiwalayan nila ng ex-jowang doktor

Isa sa mga inaabangan sa Cinemalaya ang Mina-anud, ang magiging closing film ng filmfest sa Agosto 10 sa CCP Main Theater. Maraming dahilan ang excitement ng film buffs sa Mina-anud, gusto nilang malaman kung bakit ito naging winner ng Basecamp Colour Prize sa Southeast Asia Film Financing Forum sa Singapore noong 2017.

Hindi pa namin napapanood ang pelikulang hinalaw sa tunay na pangyayari sa Samar, nang magkagulo noong 2009 ang payapang buhay ng mga tao dahil sa tatlong toneladang high-grade cocaine na bigla na lamang lumitaw sa dalampasigan.

Tila allegory ang pelikula sa gulong hatid ng illegal drugs sa Pilipinas, bida sa pelikula si Dennis Trillo kasama sina Jerald Napoles at Matteo Guidicelli mula sa direksiyon ni Kerwin Go.

“Gusto kong gumawa ng ganitong film, totoo, matapang, para ito sa mga taong naghahanap ng iba, ‘yung hinahanap nila sa online, kaya nating ibigay, sana panoorin nila sa big screen,” pahayag ni Dennis.

“Ito ang mga pelikulang masarap panoorin sa sinehan dahil sa maganda ang quality, maganda ang story, masayang panoorin kasama ang barkada. Mas maa-appreciate mo at malaking pelikula ito,” dugtong pa ni Dennis.

May pagkakataon ang lahat na mapanood ang Mina-anud dahil may commercial run ito sa mga sinehan nationwide simula Agosto 21.Produced ng Regal Entertainment at Epicmedia ang Mina-anud.

-DINDO M. BALARES