Anim na katao kabilang ang apat na Chinese nationals ang nadakip ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes, matapos umanong dukutin at i-torture ang mag-asawang Chinese nang isumbong umano sa Chinese authorities ang illegal online gambling ng isang kumpanyang Chinese sa Pilipinas.

KIDNAP

Kinilala ni NBI Deputy Director Vicente De Guzman III ang mga suspek na Chinese na sina Tan Xiaguang, Zheng Jia Lei, Su Zhiwei, at Lin Jian Zhou; Vietnamese na si Tran Bui Thu Thuy; at ang Pilipino na si Virgilio Cuyugan San Juan.

Ayon kay De Guzman, naaresto ang anim na suspek ng NBI Special Action Unit (NBI-SAU) matapos ang rescue operation sa Southkey Hun, sa Alabang, Muntinlupa City, nitong Lunes.

Internasyonal

South Korea, muling iniluklok na-impeach nilang acting President

Matapos ang pag-aresto agad na ipinrisinta ang mga suspek sa

Muntinlupa City Prosecutor’s Office para sampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention.

Napag-alaman naman na pumasok sa bansa ang mga dayuhan gamit ang tourist visa.

Nag-ugat ang operasyon, matapos makatakas ang lalaking biktima nitong Lunes at maiulat sa awtoridad ang insidente.

“The victim stressed that they were detained for 10 days during which they were tortured,” ayon sa NBI.

Sa operasyon, napag-alaman ng NBI-SAU na dinala na sa China ang babaeng biktima matapos mapag-alaman na hinahanap na ito ng mga awtoridad.

Sa salaysay ng lalaking biktima nagtrabaho umano siya bilang electrician sa isang Chinese employer na nagpapatakbo ng isang online gambling firm.

Samantala, tumanggi naman si De Guzman na pangalanan ang Chinese firm na sangkot sa illegal online gaming company dahil sa patuloy na imbestigasyon.

-JEFFREY DAMICOG