Nagbigay na naman ng isa pang karangalan sa Pilipinas ang mga estudyanteng Pinoy nang humakot ng 189 medalya sa sinalihang international math competition sa Singapore, kamakailan.

Kabilang sa 189 medalya ang 27 gold, 54 silver at 108 bronze, bukod pa ang 80 merit awards sa ginanap na 15th International Mathematics Contest (IMC) sa nasabing bansa, noong Agosto 2- 5.

“Congratulations to our Filipino students for achieving a bountiful harvest of medals this year at IMC. We commend them for their hard work,” ayon kay Dr. Isidro Aguilar, pangulo ng Mathematics Trainers Guild-Philippines (MTG), isang grupo ng math experts na nagsasanay ng mga estudyanteng Pinoy na sasabak sa international math competitions.

Ang IMC ay sinalihan ng mga estudyante mula sa 15 bansa at teritoryo na kinabibilangan ng Australia, Bulgaria, China, Hong Kong, India, Indonesia, Iran, Malaysia, Mexico, Philippines, Singapore, Sri Lanka, Taiwan, Thailand at Vietnam.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

-Jonathan M. Hicap