MANANATILI ang Underground Battle MMA para makatulong sa pangarap ng mga local fighters na maabot ang antas sa international.
Ayon kay UBMMA founder Ferdie Munsayac, patuloy ang pagsasagawa ng MMA promotion – sa pagkakataong ito sa Norte – upang maipagpatuloy ang nasimulang layunin na palawakin ang kaalaman ng Pinoy sa sports at ayudahan angmga local fighters na maging world-class fighters.
“Tulad sa punong hitik sa bunga, ganyan ang UBM sa mga negatibong isyu na ibinabato sa amin. Pero hindi namin yan pinapansin. Our group is the longest and oldes local MMA promotions at patunay dyan ang halos isang daang fight na nagawa namin,” sambit Munsayac, tanyag din bilang ‘Papa Goat’.
Iginiit ng dating US Navy na sisimulan nilang palakasin ang MMA sa Norte, partikular sa Ilocos upang makatuklans ng mga bagong talento na posibleng maging international fighters.
“UBMMA is here to stay. We’re innovator. Iiwan namina ng Manila dahil, masikip na rito sa dami ng MMA promotions. Sa Norte, particularly sa bayan ko sa Ilocos, doon kami hahanap ng ‘diamond in rough’. We produced a lot of champions in the past, kaya ipagpapatuloy naming ito for the sake of our MMA fighters,” sambit ni Munsayac.
Ipinahayag d i n n i y a na ma p a p a s a i l a l im n a s i l a s a kapangyarihan ng Games and Amusement Board (GAB).
“Starting September, GAB sanction na kami. Malaking bagay para sa welfare ng mga fighters ang programa ng GAB. I promised to shoulder the licensed fee ng mga fighters,” aniya.
-EDWIN ROLLON