NANG dahil sa rain scene nina Bianca Umali at Migo Adecer sa seryeng Sahaya ay biglang nagkaroon ng sexy tandem ang dalawa na tinaguriang JorSah base sa kanilang characters sa nasabing GMA primetime series, kung saan gumaganap si Migo sa role na Jordan at si Bianca naman bilang si Sahaya.

Bianca at Migo

“Honestly, kami mismo, nagulat din sa naging strong acceptance ng viewers sa amin in that scene. Ang lakas ng impact, e. Gustung-gusto nilang nabasa kami sa ulan at lumitaw raw ang lakas ng sex appeal namin,” sabi ni Bianca sa press set visit sa taping ng Sahaya.

“We have no such intention. Kasi that scene is supposed to be very dramatic dahil nagpapaawa ako kay Sahaya not to leave me. We’re surprised na gan’on ang naging dating sa viewers. They saw something else at parang nanonood sila ng soft porn. They were commenting about our sexual chemistry,” sey naman ni Migo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

So ang tanong: Paano na ang original loveteam ni Bianca na si Miguel Tanfelix na gumaganap naman sa role ni Ahmed? May aabangan pa ba ang BiGuel fanatics?

“Babalik pa naman si Miguel,” ani Bianca. “Nawala lang ‘yong character niya nang umuwi siya sa Tawi-tawi to be with his family. Pero sa totoo lang, mas naging malaki ang paghihirap ni Ahmed kay Sahaya and more viewers prefer them to be together in the end. Ipinakita kasi ni Ahmed ang true love niya for Sahaya in many instances simula pa noong mga bata pa lang sila. Pinag-ipunan niya ng pera si Sahaya para makabili ng sapatos nang pumasok ito sa school. Binabantayan niya lagi si Sahaya ng buong tiyaga at handang ipagtanggol ito sa mga nang-aapi sa kanya. He even sacrificed himself at nagparaya kay Jordan na mas mabibigyan daw siya ng better future. Handa talaga siyang magpakasakit for Sahaya.”May nagtanong na kapag off cam ay kanino siya mas close, kay Miguel or kay Migo?

“Siyempre po si Miguel pa rin kasi sobrang tagal na naming magkasama in so many different shows. Si Migo, ngayon ko pa lang na­kasama. Okay naman ang bonding namin kapag kami ang magkaeksena, but we’re not really that close yet as compared to Miguel na close friend ko na ta­laga,” pagkuku­mpara ni Bianca.

-MERCY LEJARDE