NAGPARAMDAM ng bangis sa unang pagkakataon ang role player ng Davao Cocolife Tigers upang tumulong sa pagsakmal sa kalabang SOCCKSARGEN Marlins Armor On,104-75 sa pagpapatuloy ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season kamakalaw sa Navotas Sports Complex,Navotas City.

Nasa ikalawang season, sinagip ni Bonleon ang Tigers mula sa sikitang laban.

Kaagapay ang mga beteranong sina Nark Yee,Billy Robles, Joseph Terso,Bogs Raymundo at baguhang sina Yvan Ludovice at James Forrester ng Davao team ni Dumper Party List Congresswoman Claudine Bautista na suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon,FVP Joseph Ronquillo,AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque,di na lumoingon pa ang Tigers tungo sa pagposte ng kanilang unang masaker na wagi at ikaanim nito sa pitong asignatura para manatiling nasa ituktok ng team standing sa south division kasosyo ang Bacoor Strikers,

Tinaghal na best player of the game si Bonleon sa pagkamada ng kanyang gamehigh 22 puntos apat na rebounds at isang assist na buwenamano sa kanyang karera sa ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao. Nabalewal naman ang magiting na panimula nina Marlin frontliners Spencer John Eman,Ranel Jalke Diwa ,Jerome Juanco at Norman Gonzales na nag-ambisyong patatahimikin ang Tigers nia upset win upang dumausdos pa sa kartadang 5-0.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Nabigyan ng malaking tiwala ni coach [Don Dulay] kaya sinamantala ko na ang pagkakataong magparamdam ng kakayahang sumiklab sa opensa,luckily my balls are falling for the win.” pahayag ni Bonleon.