“ATTITUDE is a choice. And aging gracefully is also a choice. Tired of being my old self. Too lax, Didn’t even care how I look, when I owe to the public. It’s About Time photography @rossparis. Creative director @ykiito Make up by @joviedbeauty. Hair by @maldhitasaints. It’s never too late to look your best! Proud to be 43,” ito ang caption ni Aiko Melendez sa ipinost niyang litrato sa Instagram (IG).

aiko solo

Binati namin ang aktres na hindi halatang 43 years old na siya dahil sa pigura niya na talagang pinagpapaguran daw niya.

“Sobrang strict ang diet ko, Ate Reg. No pork, no beef, no rice, no sugar, no soda, puro veggies at fish lang. Need kong gawin kasi ako rin naman nahihirapan, saka for may self-worth na rin,” paliwanag ng aktres.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Masayang kuwento pa ng aktres, abala siya ngayon sa tapings ng Prima Donna at ng isang digital project na hindi naman binanggit kung ano.

Pero nitong isang araw ay hindi tinapos ni Aiko ang taping ng serye niya dahil, “pinauwi akong EP (executive producer) ko, hindi ko na kasi kaya, hinang-hina na ako panay ang suka ko. Pero may medical team naman sa set.”

May amoebiasis daw ang aktres dahil nakakain siya ng panis na pagkain, “hindi sa set, sa bahay namin. Parang panis,” sabi sa amin.

Habang tinitipa namin ang balitang ito kahapon ay magaling na siya at malakas na. Nakapag-celebrate na sila ng mga anak niyang sina Andrei Yllana at Marthena Jickain ng birthday nito no’ng Linggo, Hulyo 28.

Pamilya at ang boyfriend niyang si Vice Governor Jay Khonghun lang ang bisita sa family dinner nila.

Ang caption sa litratong pinost ng aktres ay, “Birthday dinner of my mini me. Her favorite restaurant! #spiralbuffet Love you mimi @jickainmarthena. Happy Birthday again. Food coma day with @andreyllanaa.”

-REGGEE BONOAN