“WELCOME to the Christian World mahal. Te quiero mucho Mi Hijo! #SalamatAmaSaBiyayaAt Pagpapala,” post ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang Instagram (IG) na umani ng libu-libong likes at comments, kaugnay ng binyag ni Ziggy.

Dantes family

Simpleng seremonya lamang, at hindi na ipinagmakaingay ng mag-asawang Marian at Dingdong Dantes ang binyag ng kanilang second child na si Jose Sixto Gracia Dantes IV.Sa simbahan ng St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Magallanes Village sa Makati City bininyagan si Ziggy Dantes nitong Linggo.

Napansin namin, iilan lamang ang taga-showbiz na kinuhang ninong ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera para kay Ziggy.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Sina Richard Gutierrez, Paolo Contis at directors Dominic Zapata na direktor ni Dingdong sa Descendantes of the Sun at Direk LA Madridejos na naging direktor naman ni Marian sa Super Ma’am lang ang taga-showbiz. Sina Kim Atienza, Sid Maderazo at iba pang ninong ay kasama nina Dingdong at Richard sa bike group nila.

Pangalawang beses nang magkumpare sina Dingdong at Richard dahil inaanak naman ni Dingdong ang second boy nina Richard at Sarah Lahbati na si Kai na kamakailan lang bininyagan.

Samantala, tiyak na sure na rin ang pagsisimula ng taping ni Dingdong ng bago niyang action-drama series na Descendants of the Sun dahil bago na ang haircut niya na pang-sundalo dahil iyon ang role niya sa Philippine adaptation ng naturang Koreanovela. Kukunan ito sa military camp sa Nueva Ecija.

Sigurado na ring hindi muna gagawa si Marian ng bagong teleserye sa GMA Network, maliban sa pagho-host niya ng Overseas Filipino Worker (OFW) docu-drama na Tadhana, dahil hindi ito uubos ng mahabang oras sa taping. Bukod kasi sa pag-aalaga kay Sixto or Ziggy, hatid-sundo rin ni Marian ang panganay na si Zia sa school nito.

-Nora V. Calderon at Nitz Miralles