MATAPOS ang matagumpay na PRURide 2019 na ginanap sa Subic, dadayo naman ang mga ambassadors na sina Kim Atienza, Gretchen Ho at Zoren Legaspi sa London, upang lumahok sa Prudential Ride London 2019 ngayong darating na Agosto 3 hanggang 4.
Bagama't ang tatlo ay lalahok sa non-competitive race, masaya pa rin si Allan Tumbag, Senior Vice President at Chief Customer marketing Officer ng PruRide Philippines, na makakasama angm ga nasabing celebrities upang maging kinatawan ng Pilipinas sa London.
"We are proud t have PRURide PH ambassadors Kuya Kim, Zoren and Gretchen among our representatives to the world's greatest festival of cycling. We have seen their grit as cyclists during the recently concluded PruRide PH 2019 and we are excited to see them perform in RideLondon," ani Tumbaga.
"At the same time, they bring them our advocacy of promoting health and fitness among Filipinos to this event." aniya.
Ang Pruride London, ay inorgnaisa ng mayor mismo ng London, katuwang ang Transport of London at ang London &Partners kasama ang Surrey County Council na suportado naman ng Prudential simula pa noong 2012 Olympic Games.
Bukod sa mga nabanggit na personalidad, lalahok din para sa nasabing event ang mismong empleyado ng Prulife UK na sina Ryan Benguelo and Nelsi Rabe.
"This is our fifth year to send an official delegation to the cycling event. Through this we hope to support the company's initiatives under we do health," ayon pa kay Tumbaga.
-Annie Abad