Sa murang edad ni Awra Briguela na 15-anyos ay mulat na ang kaisipan niya tungkol sa human immunodeficiency virus (HIV), ang sakit na nakukuha kapag hindi nag-iingat sa pakikipagtalik, lalo na dahil open naman ang bagets sa kanyang kasarian.

Awra

Kaya nang alukin siyang gumanap bilang Chuchay sa digital series na Mga Batang Poz na nagsimulang mapanood kagabi (Biyernes) sa iWant, ay tinanggap niya kaagad ang papel dahil gusto niyang maging role model ng mga kabataang tulad niya.

“First of all, nu’ng sinabi sa akin ang series na ito ay tinanggap ko siya nang buong puso. I’m willing to be a role model ng mga kabataan. Gusto ko talagang maging inspiration nila para maging aware sila,” paliwanag ng batang aktor.

Tsika at Intriga

Jen Barangan, nagsalita na sa isyu ng kawalan ng concert etiquette

At ang nakabibilib kay Awra, naitawid niya ang mga delikadong eksenang pinagawa sa kanya sa Mga Batang Poz na nakaka-shock.

“Sobrang proud ako sa sarili ko kasi at the age of 15, ‘yung ganoong eksena, ‘yung ganoong project ay natapos ko. Kapag lumaki ako at tumanda ako at tiningnan ko ‘yung mga nagawa ko ay magiging proud ako sa sarili ko nang sobra-sobra kasi alam ko na makakatulong sa akin ito nang sobra.

“Kasi parang kung hindi ko siya tinanggap ay parang isang malaking kaduwagan sa akin bilang isang bata na hindi maging boses sa mga mata ng mga bata kasi sa totoong buhay ay nangyayari naman talaga ang mga ganoong eksena,” pangangatwiran pa ng bagets.

Dagdag pa, “sa lugar ko sa Las Piñas, sobrang aware ako. Hindi pa ako artista, hindi pa ako 15 years old ay alam ko na ‘yan. Mas malala pa riyan kaya noong nalaman ko ito, sobrang ready ako for it. Lumaban talaga ako kasi alam kong makakatulong ako sa maraming bata at maraming tao.”

Samantala, as of now ay prioridad ng batang aktor ang kanyang pag-aaral kaya pili na rin lang ang mga tinatanggap niyang project.

Para sa karagdagang updates, i-like ang www.facebook.com/ iWant, at sundan ang @iwant sa Twitter at @dreamscapedigital at @ iwantofficial sa Instagram.

Para naman sa HIV counseling, testing, paggamot, at iba pang katanungan, makipag-ugnayan sa Love Yourself Inc. at i-email ang [email protected] o bisitahin ang www.loveyourself.ph. Maaari ring tumawag sa National Youth Commission hotlines na 426-8479 at 371-4603 .

-REGGEE BONOAN