NANAIG ang malawak na karanasan sa international races nina Marcelo Felipe, Marc Ryan Lago, Ismael Gorospe Jr. at Marella Salamat para pagbidahan ang kani-kanilang division sa PhilCycling 2019 National Road Cycling Championships nitong Miyerkoles sa Tagaytay City.

PINANGASIWAAN nina Tagaytay City Councilor Athena Tolentino (kaliwa) at Standard Insurance Group Chairman Ernesto “Judes” Echauz (kanan) ang starting gun para sa women’s and men’s under-23 at junior race ng National Road Championship nitong Miyerkoles.

PINANGASIWAAN nina Tagaytay City Councilor Athena Tolentino (kaliwa) at Standard Insurance Group Chairman Ernesto “Judes” Echauz (kanan) ang starting gun para sa women’s and men’s under-23 at junior race ng National Road Championship nitong Miyerkoles.

Nanguna si Felipe, captain ng Continental Team 7-Eleven Cliqq Road Bike Philippines at ikatlong Best Asian Rider sa 2018 Le Tour de Langkawi, sa 132.08Km Men’s Road Race na nagsimula at nagtapos sa Praying Hands Monument sa Aguinaldo Highway sa Tagaytay City.

Naitala niya ang bilis na tatlong oras, 11 minuto at .212 segundo.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Naungusan naman ni Philippine Navy-Standard Insurance’s Ronald Oranza ang kasangga sa 7-Eleven team na si John Mark Lexer Galedo Para sa silver nedal. Nakuha ni Oranza ang tyempong 3:12:47.015 laban kay Galedo na nakatawid sa finish line may dalawang segundo ang layo sa torneo na itinaguyod ng Standard Insurance, MVP Sports Foundation at Tagaytay City government.

Nangibabaw naman si Go For Gold’s Lago, tumapos sa ikalima sa Men Junior ITT ng Asian Cycling Championships nitong Abril sa Uzbekistan, sa 91.35-km event sa tyempong 2:24:26.911, kontra kina Rench Michael Bondoc at Efren Reyes.

Nanaig naman si Gorospe, miyembro ng Go For Gold continental team, kontra at ITT champion Nichol Pareja sa Men Under-23 gold medal ng karera na inorganisa ng PhilCycling, sa pamumuno ni Rep. Abraham Tolentino at nasa pangangasiwa ng Ube Media Inc.-Le Tour de Filipinas, sa pakikipagtulungan ng One LGC, Air21, Go For Gold, Bike X Singapore, 7-Eleven at Highway Patrol Group of the Philipine National Police Region 4A command.

Nakatawid si Gorospe sa tyempong 3:13:36.60, may 39-hundredths of a second na bethae kay Daniel Ven Carino.

Nanatili naman ang dominasyon ng Philippine Navy-Standard Insurance sa Women’s class matapos kunin ni Salamat, 2015 Southeast Asian Games ITT gold medalist, ang gintong medalya laban sa kasangga niya at ITT titlist Jermyn Prado.

Naorasan si Salamat sa 2:29:53.418 kontra kay Prado at Melisa Jaroda (2:49:31.560).

Nadomina rin ng Standard Insurance bet na sina Kate Yasmin Velasco (Under 23) at Maritono Krogg (Women Junior). Nailista ni Velasco ang winning time na 2:49:36.378, kontra Shagne Paola Yaoyao (49.627 behind) at Mhay Ann Iinda (53.578 behind).