“Uhm. Wt* are u talking about?” ang sagot ni Nadine Lustre sa comment ng isang netizen na, “Break ba nga kasal pa just look. Wala na mga award ni @nadine sa bahay ni James nakikita bang nag igs siya lately something think about”.

Sa sagot ni Nadine, ibig sabihin, mali ang tsika na break na sila ni James Reid kaya sorry na lang sa mga umaasang hiwalay na ang dalawa dahil going strong pa rin ang relasyon nila.

Busy lang si Nadine sa promotion ng Viva Films movie na Indak na pinagtatambalan nila n i Sam Concepcion.

Sa August 7 na ang showing ng movie, kaya kailangan mag-promote.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Anyway, matutuwa ang shippers nina Nadine at James sa balitang itutuloy na ng Viva Films ang movie nilang Spellbound na adaptation ng isang Korean movie. Maghintay na lang ng announcement.

-NITZ MIRALLES