ANG teleseryeng The Killer Bride ni Maja Salvador ang papalit sa Sino ang May Sala: Mea Culpa kaya pala panay ang labas ng teaser nito sa ABS-CBN.

Joshua at Julia

Sa titulo palang ay horror drama na ang kuwento ng The Killer Bride at n a k a t i t i y a k k a m i n g aabangan na naman ito ng ne t i z ens a t kung anong karakter ang gagampanan ni Maja.

Kaya raw bang lampasan ng ghost bride na si Camilla ng Killer Bride ang kasikatan ni Lily Aguas ng Wildflower na parehong si Maja ang bida?

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Aliw ang usapan ng mga katoto dahil tiyak na maraming pag-uusapan sa mediacon ng The Killer Bride. May mga interesting issues kasi ang buong cast at hindi maiiwasang hindi hingian ng reaksyon si Joshua Garcia sa mainit na isyung pinag-uusapan ngayon, ang tunay na estado nina Gerald Anderson at ang ex-girlfriend niyang si Julia Barretto.

Posible ring hingian ng komento si Maja tungkol sa ex-boyfriend niyang si Gerald, pero parang mas interesado ang lahat sa usap-usapang engagement nila ng boyfriend niyang si Rambo Nunez.

Siyempre hindi pa rin titigilan si Janella Salvador tungkol kay Marcus Patterson na balitang boyfriend na niya. At matatanong naman si Geoff Eigenmann tungkol sa bagong baby nila ng kanyang wife-to-be na si Maya Flores.

Sabi namin sa mga katoto, “Parang after the mediacon, hihilahin na agad sina Joshua at Janella ng handlers nila para makaiwas. Sina Geoff at Maja, posibleng magpaiwan para ma-interview dahil hindi naman mainit ang isyu nila.”

Abangan ang mangyayari.

-REGGEE BONOAN