SA unang pagkakataon sa buhay niya ay nagpa-party sa mismong araw ng kaarawan niya si Rayver Cruz, sa The Palace, Bonifacio Global City, nitong Sabado.

Megan, Rayver, Kris at Kim

Dinaluhan ito ng mga showbiz at non-showbiz friends ng binata at siyempre ang katuwang niya sa pag-estima ng mga bisita ay ang babaeng nilalaman ng kanyang puso, si Janine Gutierrez.

Kuwento ng aming source, “hindi pa ba umaamin si Rayver na sila na ni Janine? E, halatang-halata naman na sa kilos? Pero bagay sila, huh? Perfect combination.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

E, teka bakit nga ba ngayon lang nagpa-party si Rayver?

Tsika sa amin ng ilang taong makapit sa aktor, “hindi kasi mahilig sa party ‘yan, pumupunta lang siya ‘pag naiimbita, pero ‘yung siya mismo ang magpa-party ayaw niya. Siguro naisip niya 30 years old na siya kaya it’s about time na mag-party na.”

Tinanong namin kung sinu-sino ang mga dumalo sa party ng binata, “marami, puro artista, hindi ko na masyado pinagtitingnan pero humabol si Gerald (Anderson) kasi galing daw sa basketball game. Siya lang mag-isa dumating.”

Bakit hindi niya kasama si Bea Alonzo na girlfriend niya? (hindi na simula nitong Linggo).

“Ay ewan, hindi ko nga nakita si Bea,” kaswal na sagot sa amin ng source.

Tinanong namin kung nakita niyang magkasama sina Gerald at Julia Barreto sa party, “hindi ko napansin. Pero kung pumunta man ang mga Barreto kay Rayver, ‘yun ay dahil close talaga si Ravyer sa pamilya Barreto,” sabi ng aming kausap.

Going back to Rayver ay labis siyang nagpapasalamat sa blessings na natatanggap niya ngayon lalo na sa career niya, dahil palabas na kahapon ang bago niyang seryeng Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko kasama sina Kim Domingo, Kris Bernal at Megan Young. Bukod dito ay may Studio 7 pa siya.

Sa trabaho ibinubuhos ng aktor ang pagka-miss niya sa yumaong ina dahil sa loob ng 29 taon ay kasama niya ang mommy niya.

Samantala, may nagtanong sa amin kung kailan magtatambal sina Rayver at Janine. Paging GMA-7 or sinumang film producer at director diyan. J

-Reggee Bonoan