PINAGHARIAN ni Roland Rosaleda ang Ayala Paseo Executive Chess Club three minutes plus two seconds increment blitz format Linggo ng gabi na ginanap sa third floor Got Game ng Makati Cinema Square sa Makati City.

KINAKITAAN ng interest na ituon ang atensyon sa chess ang mga batang kalahok na nakiisa sa ginanap na Tempo Inter-School Chess Championship nitong weekend sa Manila Prince Hotel sa Manila. Kabilang sina GM Eugene Torre, Jayson Gonzales at Women’s Master Janelle Frayna sa nagbigay ng inspirasyon sa mga kalahok.

Giniba ni Rosaleda kontra si Ferdie Viclar tungo sa perfect 11.0 points at makopo ang titulo na blitz chess king sa one-day event na suportado ni Auckland, New Zealand based Jun Isaac.

“Masaya ako sa pagkapanalo kong ito,” sabi ni Rosaleda.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Nakaungos naman si Arena Grandmaster (AGM) Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. kontra kay Gerry Yulo tungo sa solo second place na may 8.5 points mula 8 wins, one draw at two loses.

Tumapos naman si Edgar Panganiban ng 3rd over-all na may 7.5 points.

Ang mga nakapasok sa top 12-circle ay sina Love Huelar, Noel Garcia, Jonathan Dasig, Cecil Padua, Auckland, New Zealand based Jun Isaac, Ferdie Viclar, Einstein Padua, Gerry Yulo at Johnny Bautista