MGA miyembro ng iba’t ibang tribu sa Palawan ang mabibigyan ng pagkakataon na maipamalas ang husay sa tradisyunal na larong kinagisnan.

MAXEY: Kailangan nating linangin ang tradisyunal na sports

MAXEY: Kailangan nating linangin ang tradisyunal na sports

Sentro ng atensyon ang mga katutubo sa Palawan sa pag-usad ng Indigenous Peoples (IP) Games na gaganapin sa Puerto Princesa sa Hulyo 26-27 sa Ramon V. Mitra Sports Complex.

Iba’t ibang katutubong laro ang muling matutunghayan na magpapakilala ng tradisyunal na kultura ng ating mga kababayan sa sa Palawan, tampok ang mga larong hihip, pana at iba pang laro na karaniwang nilalaro ng mga tribo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Taun-taon ay nagsasagawa tayo ng mga IP Games or Tribal Games sa Pilipinas na ang main objective is to preserve the traditional sports and games of IPs and also to promote peace, unity, and harmony among different tribal groups. We would also like to identify the potential talents in sports of the IPs particularly the youth,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey na siyang punung-abala sa nasabing event.

Ito ang unang pagkakataon na dadayo sa Palawan ang IP Games, kung saan ay nakakuha ng buong suporta buhat sa provincial government ng lalawigan sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Department of Tourism (DOT), Commission on Higher Education (CHED), Department of Education (DepEd), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at local government units (LGUs).

Ang nasabing laro ay naglalayon na magpakita ng kalinangan ng mga katutubong tribo sa lalawigan ng Palawan at muling buhayin ito at maipakilala sa mga bagong henerasyon.

Mismong ang mga pinuno ng mga tribu ang siyang pipili kung sino ang isasabak sa nasabing kopetisyon, bukod pa sa pagbase sa kanilang galing sa nasabing laro.

Una nang isinagawa ang IP Games noong nakaraang taon, sa mga lalawigan ng Lake Sebu, Ifugao, Benguet at sa Tagum Davao del Norte.

-Annie Abad