Nagtipon sa Quezon City ang mga tagasuporta at mga kritiko ng administrasyong Duterte nitong Lunes upang magpahayag ng suporta at hinaing sa Pangulo sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA).

(Mark Balmores)

(Mark Balmores)

Bitbit ang mga hinaing ng kanilang rehiyon, nagdaos ng sariling bersiyon ng "State of the Region Address" o SORA ang mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa Southern Luzon.

"This is the heart of our lakbayan. Aside from forging unities with other sectors from different regions and demonstrating collectively our force, we would like our issues and conditions made known," pahayag ni Shaira Cledera ng BAYAN-Timog Katagalugan sa programa malapit sa Philippine Coconut Authority office, sa Commonwealth Avenue.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Ayon kay Cledera, mula pa sa iba’t ibang lungsod ng Laguna at Metro Manila ang kanilang mga miyembro na lumuwas apat na araw bago ang SONA ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng isang protest caravan na tinawag nilang "Daluyong 2019." Nais umano ng grupo na mabigyang pansin ang mga isyu tulad ng kontraktuwalisasyon, Rice Tariffication Law, at ang tumataas na bilang ng paglabag sa karapatang pantao sa rehiyon.

Matapos ang programa, nagsunog ang grupo ng 10-ft na mural ang mga raliyista na tinawag nilang "Tres Muertes," na nagpapakita ng imahe nina Pangulong Duterte, US President Trump at Chinese President Xi Jinping.

PROTESTA NG MGA MAGSASAKA

Nanawagan naman si Anakpawis Vice President Ariel Casilao ng impeachment ni President Duterte hinggil sa umano’y mga patakaran na kontra sa interes ng mga pangunahing sektor ng lipunan tulad ng mga mangagawa.

Ayon kay Casilao, nasa 214 peasant-activists ang napatay sa ilalim ng administrasyon, kabilang ang lokal na lider ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Nabanggit din ni Casilao ang pagkabigo ng Pangulo na mawakasan ang kontraktuwalisasyon, taas-sahod, buwis at neoliberal na polisiya.

"The workers are demanding the P750 national minimum wage and the end of 'endo' but his response were useless reiteration of Labor Code provisions against labor-only contracting and measly wage increases, the TRAIN Law, oil prices hikes and price shocks," aniya.

Dumalo rin sa SONA ang Concerned Artists of the Philippines (CAP) kasama ang United People’s State of the Nation Address (SONA) na nananawagan laban sa mga pag-aabuso umano ng administrasyong Duterte.

Sa Bicol region, 10,000 militante ang nagdaos ng protesta kaugnay ng SONA ng Pangulo na nagmula pa sa mga probinsiya ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon at Masbate.

SUPPORTERS

Samantala, nagdaos din ng protesta ang mga miyembro ng "Friends of Rody Duterte (FORD)," D4 Movement for Federalism and Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee Council (MRRD-NECC) upang suportahan ang Pangulo sa plano nitong pederalismo.

"We want to change the system. We are quite ready, though there are lots of critics [who] bother," Farrah Ajoc, national chairperson of D4 Movement.

Samantala, sinabi naman ni Rene Concordia, miyembro ng FORD, na ang kanilang pagdalo ay para sa pagsusulog ng charter change.

Ilan sa mga miyembro ng FORD ang nagmula pa sa Benguet at Baguio City.

Sa pagtataya ng pulisya hanggang nitong 1:30 ng hapon ng Lunes, umabot sa 5,200 ang nagprotesta na mula sa hanay ng mga kritiko habang nasa 3,500 ang mga tagasuporta ng administrasyon.

SEGURIDAD

Higit 100 human rights officers at ilang intelligence operatives ang itinalaga ng Philippine National Police (PNP) upang masiguro ang pagpapatupad sa protocol ng mga pulis para sa mga nagprotesta at masiguro na payapa at maayos ang buong lugar.

"This is not for surveillance on them. This is for their own safety. Remember, even these militant protesters do not personally know all those joining them," pahayag ni General Oscar Albayalde, chief PNP, nang inspeksiyunin nito ang mga pulis na nakatalaga sa bahagi ng Commonwealth Avenue.

-MARTIN SADONGDOGNG, ALEXANDRIA SAN JUAN, JOSEPH PEDRAJAS, DHEL NAZARIO at AARON RECUENCO