July 14, 2026

Home BALITA National

'Mga sabi-sabing walang ebidensya Prosecution, 'di totoo!'—Rep. Ridon

'Mga sabi-sabing walang ebidensya Prosecution, 'di totoo!'—Rep. Ridon
Photo courtesy: Terry Ridon, File Photo

Pinabulaanan ng miyembro ng House prosecution panel na si Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon ang mga kumalat umanong balita na walang ebidensya ang Prosecution team na magpapatunay sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. 

Sa inilabas na video statement ni Ridon sa kaniyang social media accounts, partikular sa “X”, noong Lunes, Hunyo 29, 2026, sinabi niyang hindi totoo ang naturang mga kumalat na balita sa kawalan ng ebidensya ng kanilang panig. 

“Maraming sabi-sabi ngayong araw na ito, isang linggo bago ang paglilitis ng Pangalawang Pangulo, na wala daw pong ebidensya ang Prosecution. Hindi po ‘yon totoo,” pagsisimula niya. 

Ani Ridon, handang handa na raw silang himayin ang mga ebidensyang mula sa Commission on Audit (COA), Anti-Money Laundering Council (AMLC) report, listahan ng mga armas ni VP Sara, at iba pang gagamitin nila sa bawat artikulo ng impeachment. 

“In fact, handang handa na po sa bawat Article ng Impeachment ang prosecution panel. Andiyan po ‘yong iba’t ibang mga dokumento ng Commission on Audit, ‘yon pong AMLC report, ‘yon pong firearms lists, at iba pong mga ebidensya gagamitin sa each and every Articles of Impeachment,” aniya. 

National

'No brainer:' Ridon, tumirada sa cross-exam ng defense kay Lotoc!

Paglilinaw ni Ridon, hindi raw totoong wala silang ebidensya dahil marami pa nga raw silang naging common evidence ng defense team ni VP Sara sa ikinasa nilang pre-trial conference. 

“Hindi po talagang totoong walang ebidensya kasi sobrang dami po nating common evidence noong pre trial conference. Kung saan hinihimok na rin po namin ‘yong defense panel na magkaroon na lamang po ng joint marking pero hindi sila pumayag,” diin niya. 

“Papaano naman nagkaroon ng kawalan ng ebidensya kung halos magkakapareho ‘yong gagamitin ebidensyang gagamitin ng prosecution at ng depensa,” pagtatapos pa niya. 

Nakatakdang magsimulang gumulong ang Senate Impeachment Trial laban kay VP Sara sa darating na Lunes, Hulyo 6, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: Pagiging totoo o 'di totoo ni 'Mary Grace Piattos,' smoking gun sa impeachment—Ridon