July 10, 2026

Home BALITA National

AFP, nakamata na rin 'surprise rally' ng INC!

AFP, nakamata na rin 'surprise rally' ng INC!
Photo courtesy: AFP, QCPD

Inihayag sa publiko ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakabantay rin umano sila at nakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) upang tutukan ang ikinasang surprise protest ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) sa EDSA People Power Monument sa Quezon umaga nitong Martes, Hunyo 30, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: INC, nagtataka bakit kakasuhan si Marcoleta

Sa inilabas na pahayag ng AFP nito ring Martes, sinabi nilang kinikilala at nirerespeto nila karapatan ng bawat Pilipino na magtipon-tipon at magsagawa ng kilos-protesta para isigaw umano ang kanilang paniniwala at mga panawagan. 

Photo courtesy: AFP. 

Giit ng AFP, mahalaga pa rin daw na sumunod sa mga naayong batas, local regulations, at kinakailangang permit mula sa mga awtoridad ang pagkakasa ng partikular na pagkakasa ng kilos-protesta upang mapangunahan ng PNP at iba pang law enforcement ang pagbabantay sa kapayapaan. 

National

Teodoro, Tarriela pumalag: Batanes, 'natural extension' ng Taiwan sey ng ilang Chinese scholars!

“At the same time, we underscore that all public activities must be conducted in accordance with existing laws, local regulations, and the necessary permits issued by the appropriate authorities, with the Philippine National Police and other law enforcement agencies taking the lead in maintaining order,” anila. 

Diin ng AFP, hinihikayat daw nila ang mga organizer ng magsasagawa ng mga kilos-protesta na huwag basta na lang balewalain ang public order para hindi magdulot ng pagkagambala para sa mga commuter, estudyante, at iba pang sektor ng publiko. 

Saad ng AFP, tungkulin daw nilang gampanan ang pagsusulong kapayapaan, kaligtasan ng publiko, at ipapatupad nila ang batas habang rumerespeto raw sa karapatan ng bawat Pilipino. 

“As a professional, non-partisan institution, the AFP remains committed to supporting national efforts that uphold peace, public safety, and the rule of law while respecting the rights and welfare of all Filipinos and safeguarding the stability of our democratic institutions,” pagtatapos nila. 

KAUGNAY NA BALITA: Ang kasalanan ko lang ay paglingkuran kayo—Marcoleta

KAUGNAY NA BALITA: Marcoleta, nang-gaslight na naman!—Lacson