Tinatayang P180,000 halaga ng pinatuyong marijuana ang nakumpiska ng mga operatiba ng station drug enforcement unit, sa dalawang courier sa isang buy-bust operation sa isang mall sa Quezon City, iniulat ngayong Linggo.

MARIJUANA

Arestado sina Mark Anthony Garcia, alyas ‘Makoy,’ 21; at  Jhon Roper Austria, alyas ‘Noy,’ 20, kapwa residente ng Barangay Masagana, Balagtas, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ganap na 3: 55 ng hapon, kahapon, nang magsagawa ng follow-up  operation ang station drug enforcement unit (SDEU) ng Kamuning Police Station (PS10)  laban sa mga suspek sa harap ng isang mall Quezon City.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Bago ang buy-bust, isinailalim muna sa surveillance ang mga naturang suspek, na nagbebenta umano sa social media ng marijuana.

Nakumpiska sa dalawa ang bloke ng marijuana na may timbang na 1 1/2 kilo at nagkakahalaga ng P180,000; P22,000 at P19, 000 boodle money na ginamit sa buy-bust.

Kasalukuyan nang nakapiit ang dalawang suspek sa Kamuning Police Station 10 na kakasuhan sa QC Prosecutor Office ng paglabag sa Section 5, Section 26 in relation to section 5 and Section 11, under Article II of R.A. 9165.

-Jun Fabon